Sunday, February 17, 2013

Panag-Puros Ritual

Ang ritwal ng panag-puros ay ang isa sa mga pinakamahalagang proseso sa mga manggagamot at mangkukulam ngayong papalapit na Semana Santa. Ang ritwal ng panag-puros ay ang paraan ng pag-titipon ng mga kagamitan sa panggagamot o pangkukulam. Sa mga araw ng panag-puros maaaring bumili, gumawa, mag-ani o mag-luto ng mga kakailanganin sa mga ritwal na gagawin para sa bagong taon na nagsisimula mula sa araw ng pagkabuhay.

Ang panag-puros ay binubuo ng 7 biyernes na nagsisimula sa unang biyernes pagkatapos ng Ash Wednesday at magtatapos sa Biyernes Santo.

Thursday, December 6, 2012

GAYUMA: Filipino Love Potion - Ang mga Orasyon.

Sa mga nagdaan na taon ay sadyang napakarami ang nagtatanong ukol sa mga orasyon sa ritwal sa gayuma na aking itinuro sa inyo. Kung kaya't aking ipapamahagi na ng buo ang ritwal ng gayuma sa nagamit na damit. Sundin lamang ng naaayon sa turo ko ang ritwal ng sa gayon ay gumana eto ng tama. 

Ang ritwal:   

GAYUMA - Filipino Love Potion



Ang mga orasyon:

Unang Orasyon:

+++

NEMINE TRITARUM ADITA CHRISTUM SUMATUS TUISUT. (Usalin ang kompletong pangalan ng gagayumahin 3x) Susunod ka sa lahat ng nais ko, ako ang laging nasa isip mo at ako ay iyong mamahalin habang buhay. ESAELE ERKIMI SAULO KIMI SAULO.

Pangalawang Orasyon:

 DEUS DEUS SERCUM DATE MATAM ICUMHIS OMINOS BENITE BENIT ADME MULLEP EGOSUM OPIO MABITAMARI NOT NOM NON NIAC AC BIAC.

(Kompletong pangalan ng gagayumhin) Susuko ka sa akin at ako lang ang iyong mamahalin.

Huling Orasyon:

ACTUM ACTUM ERIGO LITIM ISUM KRISTUM LIVERA MIA MALO EGOSUM. Amen.  +++




Eto nawa ay inyong gamitin ng walang paghihiganti sa inyong mga puso.

Tuesday, July 17, 2012

Orasyon Contra Armas - Para Mabitawan

Orasyon contra armas de mano at fuego na kung saan kapag sinambit o ipinalakpak ng dalawang kamay na inusalan ay mabibitawan ang hawak na armas ng may masamang tangka. Uusalin lamang kung kinakailangan. 


Ang orasyon:

+++


"Mitem Claudium T... Bahenam Kalez A... Omile Pratre Treves Adem Bam Bahenam Quiay Egosum Amen "


+++

Pag-ganap:


- Usalin ng tatlong beses saka ipadyak ang kanan paa sa lupa.


- Usalin ng tatlong beses sa mga kamay at ipalakpak ng malakas at isang beses para mabitawan at kumawala ang hawak na armas de mano o fuego ng mananakit sa iyo. 

Sunday, September 25, 2011

Espada ni San Miguel Arkanghel



Espada ni San Miguel sa mga kalaban na kung saan kapag sinambit ang orasyon at gumawa ng mabilis na kampay ng paghati na para bang espada ang hawak ay magpapadala ng malakas na puwersa ng kapangyarihan sa kalaban. Ang kalaban ay maaaring maitulak, mabitawan ang hawak, hindi makagalaw o kung "pahihintulutan" ay masugatan ang katawang tao o kaluluwa ng tatanggap ng puwersa na ito kahit pa eto ay nasa malayo at hindi nakikita.

Ang kapangyarihan na eto ay natatamo sa tulong ng sagradong medalyon ni San Miguel Arkanghel. Eto ay dedebosyonan ng pitong biyernes gamit ang orasyon kay San Miguel at pag naganap na ay maaari ng gamitin kung kinakailangan sa mga kalaban na may masamang tangka.

Ang orasyon pang-debosyon ay:

[Hindi ilalathala sa publiko..]

Orasyon Pantaga ni San Miguel:

*Bago sambitin ang orasyon ay usalin muna ang salitang eto:

[Hindi ilalathala sa publiko..]

*Kapag nasambit na ang salita ay isunod ang orasyon na eto:

"V. Rex Quit Sicut Deus S. H. Deus Omnipotente Simpeternum Deus Omvi Creabit D. Angeles P. D. Sit Semper Nobiscum"

Pagkatapos usalin ang orasyon na eto ay saka ikampay ang kamay paharap sa kalaban.


*Kompletong detalye ilalathala sa libro.







****PAALALA****

Maaari lamang sa aking mga avid readers na mag-ingat sa mga manloloko at mapagpanggap na mga tao na gusto kayo maisahan. Ako ay maaari niyo lamang macontact sa email address na:

FilipinoSorcery@gmail.com

At wala ng iba pa. Ako ay hindi nagbibigay ng numero ng cellphone kaya mag-ingat na lamang sa mga manloloko na eto.

Huwag kayong mag-alala at hinihintay ko na lamang ang pagkamatay ng Luna at sisimulan ko na ang pagturo ng leksyon sa taong eto. Sisimulan ko sa mga taong importante sayo at ikaw ang magiging finale.

Monday, September 12, 2011

The Book 2

Gusto sana namin hingin ang opinyon ng mga mambabasa kung ang libro ba na ilalabas ni FS ay ipupublish po natin sa English or Filipino.

Anytime soon din po ay ipopost na po natin ang mga makaka-avail ng libro. Sa ngayon po ay nagkakaroon pa po ng pagpili dahil minsan ay kung hindi masyadong bata ang gusto maka-avail ay minsan naman ay nasa iisang lugar ang mga gusto maka-avail ng libro.