Friday, August 29, 2008

Orasyon Para Hipnotismo(Nasa Libro)

Ang orasyon na ito ay siyang napakalakas at nagtataglay ng kapangyarihan na makapagkokontrol sa tao.

Ang orasyon:

"Huc.. Sic.. Benedictum.. E.. H.."

Ang epekto:

Mawawala sila sa sarili at susundin ang kahit ano mang nais mo. Ngunit mabilis na mawala ang bisa. Nasa libro ang mga pangontra dito.

*Ito ang siyang ginagamit ng mga sindikato para lokohin ang tao at nakawan.






Sunday, August 24, 2008

On Confrontation/Exorcism of Engkantos, Witches and Sorcerers

I have stated in my book to take note on the eyes of the Exorcised/Confronted being because you can determine the strength, intent or character of the confronted/exorcised being with their eyes. And by knowing this, you will be able to know how to treat these beings.
Actually, it's very simple to know this:

Engkantos:

If an Engkanto's eyes are closed when exorcised and confronted then expect it to be not very violent. It might struggle but won't cause you much harm. Most of them who enters a man's body and communicate with their eyes closed is a Good Engkanto.

But if an Engkanto's eyes are open then beware. They are violent and will try their best to escape from you. In my experience they would always aggressively ask "Bakit ka nakatingin sa akin?!!! Anong tinitignan mo!!" As if they are very conscious on being looked at.

Do your best to ask their name and mention it when making a command. Being able to know their name means taking control over them. If they resist then I will suggest to put grinded ginger on their left eyes. They hate that very much.


Witches:

When confronted, most of them opens their eyes to know their enemy. They will remember the faces of those around them and might take revenge on them instead. So it is best not to have so many people around when confronting them. Now let me discuss you two types that might have happened why a witch cursed their victim; First, simply because they are in league with the devil and cursing people is an oath that they must do. And second, they took revenge. Witches who took revenge to a victim who admitted doing harm to the witch should not be treated very harshly on the first confrontation. These witches usually close their eyes and is very calm. They do not deny what they've done and would tell you how hurt they were because of the victim. So I myself do not bother to ask their name if this is the case. I just ask them to lift the spell and if they said yes then I'll take their word. If the victim comes back to you because the spell was not lifted then that's the time to be harsh.

Now on witches who are in league with the devil, the only answer you will get from your question "Bakit mo siya kinulam(Why did you curse him?)" is a very plain and rude "Gusto ko lang(Because I want to)". This immediately gives me highblood because I myself had to suffer by testing rituals to MYSELF, to be considerate of other people who are innocent and has not done me harm. So i immediately force them to reveal their name and threatens them that I will reveal it to the whole town. I also put grinded chili on both of their eyes if they do not communicate and cooperate well. Torturing them through their fingers is not enough for me. And should not be enough for you too.

Lastly about witches, let me tell you a story about a group of non-believers who doubted my powers. They accused me of only calling spirits to pretend to be the witch on the victim's body, so when I had to confront a witch I asked them to witness how its done. I put chili on the witch's eyes and asked the non-believers to go the house of this witch at that very moment. They went to the witch's house as I continously put chili on the witch's eyes. And when they came back to me they recounted on how they were astounded to see the witch covering her eyes and screaming on pain. And so, they believed...


Sorcerers:


Eyes are always open. He can put the lights out of the candles by blowing it at a distance. Although it is very hard to catch a sorcerer, it is best for you starters not to deal with them. An expert one can instantly kill you or your soul.
I won't give too much information, just don't deal with them. Let the experienced one fight them.




On my next topic it will be about the horns of Engkanto Diabolicos...

Friday, August 22, 2008

Ang mga Uri ng Duwende

Sa susunod na lesson ko ay ukol sa mga duwende. Kung makikita niyo sa libro na pinagkaloob ko ay may mga orasyon para sa mga ito. Pero dapat magingat at hindi na lamang basta ginagamit ang mga orasyon at ritwal na ito. Kailangan niyo muna malaman kung ano ba ang mga characteristics ng mga duwende para hindi kayo malinlang. Malalaman niyo ito ayon sa kanilang kulay. At sa kanilang mundo ito ay para bang kanilang tribo.

Most ng mga duwende ay mga SINUNGALING. Kaya hindi dapat agad nagtitiwala dito kahit na may orasyon pa kayo. Huwag din basta uusal ng orasyon na galing sa kanila kung ang mga ito ay hindi "attached" sa iyo. Kontra din sa paniniwala na ang mga ito ay mahilig sa sigarilyo at alak ay ang mga ito ay mas napapakiusapan sa pagaalay ng manok. Ang mga ito ay nalulusaw sa asin at ang mga nanggugulo ay hindi natatagalan na marinig ang mga pangalan ng Diyos Ama.


Duwendeng Itim
:

Kontra sa paniniwala ng marami na ito ay nakasuot ng over all attire na black ay ang itsura ng mga duwendeng itim ay mahahalintulad sa mga taong grasa.. Nakakatawa pero totoo. Sila ay mukang madudumi, punit punit ang suot na para bang gawa sa telang itim. Sila ay nakayapak lamang at mayroong amoy na parang nabubulok. Ang mga ito ay kampon ng mga diablo at ubod ng sinungaling. Hindi dapat nagtitiwala agad at huwag na huwag agad tatanggap ng kung ano mang bagay mula sakanila. Mahirap kausapin at nanlilinlang na magpatikim ng kanin na itim upang ang iyong katawan o iyong kaluluwa ay kanilang maging alila.

Duwendeng Pula:

Neutral ang mga duwendeng pula. Mayroong mga mababait at mayroon naman mga ubod ng sama. Hindi dapat agad nagtitiwala dahil karamihan ay mga sinungaling. Sila ay tagapagturo ng mga orasyon at mahilig sa alay na manok. Strikto sa pagtuturo ng orasyon, hindi ka patutulugin hanggat hindi mo naisasaulo ang mga orasyon na naituro. Nagbibigay ng agimat. Madaling tawagin pero mahirap paalisin. Kapag ikaw ay nagustuhan ay lagi silang nagpapakita at sumusunod saan ka man magpunta. Nagpapatikim din ng kanin na itim na hindi mo dapat kainin.


Duwendeng Berde:

Ang mga ito ay mababait ngunit mahirap pakiusapan. Sila ay mahilig magpakita sa bata dahil ang mga ito ay natutuwa sa mga paslit. Alam nila ang mga mangyayari sa future at alam din ang mga lumalabas na numero sa sugal(jueteng, lotto), ngunit galit na galit sa mga ganitong bagay(sugal). Nagbibigay ng bulaklak sa palad na makapang-aakit sa sinumang babae. Nagtuturo ng kinalalagyan ng kayamanan kapalit ng alay. Nagtuturo ng gamit ng mga halaman at orasyon para sa kalikasan. Kapag sila ay tinawag gamit ang orasyon, sila ay nagpapakita ngunit nakaupo lamang at hindi ka kakausapin. Hindi rin titingin sa iyo at parang walang naririnig. Kumbaga medyo bastusin. Kaya kapag ito ay tatawagin at kkonsultahin ay gagamit kayo ng bata para kausapin ito. Pero magiingat dahil kapag natipohan ang bata ay maari ito maging "attached" sa bata at baka isama pa sa kanilang daigdig.


Duwendeng Puti:

Alagad ng Diyos. Malumanay magsalita at hindi gumaganti kapag inalipusta ng kapwa duwende. Nakapanggagamot ng pinakamalakas na barang ngunit namimili lamang sa kanyang tuturuan at pagpapakitaan. Tagapagturo ng mga orasyon at nagbbendesyon ng mga agimat para sa bilis, invisibility, lakas, at iba pa. Nagbibigay din ng bulaklak sa palad na makapang-aakit sa sinumang matipohan. Kapag hindi ka nagustuhan ay hindi na ulit magpapakita sa iyo.


Huwag tumawag ng ibat ibang nilalang sa loob ng iisang linggo lamang. At importante na tandaan ang kanilang pangalan at huwag na huwag gagawa ng kasunduan kahit na napakasimple lamang.


Siguro ay tama na ang mga impormasyon na iyan pandagdag sa kaalaman niyo. Minsan kapag ito ay tinawag ay sila na mismo ang nagtuturo sa iyo ng iyong gagawin. Alalahanin niyo na nasa lesson pa din tayo at hindi niyo pa puwede gamitin ang nasa libro. Sundin muna ang mga paghahanda at pagaralan mabuti ang turo sa inyo. Hindi basta basta ang makiugnay sa mga engkanto.

Monday, August 11, 2008

Gift From A Loyal Mentor "B"

I was given a little creature that will promise great luck in any gambling game that I will play. As its second tail grow longer, and so is my luck - that is the promise. Unfortunately, I was not taught of any ritual on how to acquire such creature. He just woke me up one night and asked me to find a bottle, and there he dropped a two tailed domestic lizard.

I was just instructed to feed it at a certain hour and to make it drink a tiny droplet of my own blood atleast once a week. Its eyes are white and when it turns black, it should never be exposed to sunlight anymore. I do not gamble and I am not sure if this creature is effective but perhaps might keep this creature for a while and give it to a worthy relative sometime soon. Here are some of the pictures, I will ask my nephew to take a clearer picture of it next time:










Monday, August 4, 2008

For the Spirits, Orasyon to Evil Spirits and the "Imperat"

Pampaamo ng espiritu:

"Jesus, Jesus, Jesus, Sta. Cruz, Espirito Niño, Cunctus Espiritus Umamo Keniac"


*Para sa mga espiritu na nasa paligid upang hindi gambalain at takutin.

*Sa proseso ng pagkakaloob ng espiritu bilang iyong taga-pagturo, ito ang orasyon na ginagamit upang maging maamo ang espiritu na pinagkaloob sa iyo. Dahil ang iba sa mga ito ay hindi agad susunod sa iyong panawag sa mga unang linggo ng pagkakaloob nila sa iyo.

*Ang mga mangkukulam naman na pinagkalooban ng espiritu ay gumagamit ng kabaliktaran ng orasyon na ito na kung saan ay pinapadama ng mangkukulam ang impyerno sa espiritu na siyang magpipilit dito na sundin ang gusto niya.

***
Para sa mga espiritu na nasa paligid upang hindi gambalain at takutin:

- Usalin lamang ng tatlong beses at sila ay mananahimik

***
Para sa mga espiritu na mapanggulo at ng sila ay patahimikin at paalisin sa isang lugar:

Ritwal:

- Lagyan ang isang baso na puno ng tubig ng sumusunod:
-pulang tela(ilalagay sa pinakailalim bago lagyan ng bigas)
-bigas
-krus na itim(nakatayo sa loob ng baso)
- Kakailanganin din ng maliit lamang na kutsilyo

Ilagay ang nasabing baso laman na ang tela, bigas at krus sa gitna ng bilog at maliit lamang na mesa na yari sa kahoy. Lumuhod, magsindi ng tatlong puting kandila at dasalin ang Pater ng tatlong beses.

Pagkatapos dasalin ang Pater, dasalin ang orasyon na ito:

"Jesus, Jesus, Jesus, Sta. Cruz, Espirito Niño, Cunctus Mal Espiritus Absum! Absum! Absum! Sika nga aggulgulo Absum!"

(Sika nga aggulgulo = Ikaw na gumagambala)

Dasalin ang orasyon ng tatlong beses at patunugin ang baso gamit ang maliit na kutsilyo ng tatlong beses gamit ang kanang kamay.

Ulitin ang proseso na ito ng 9 na beses. Kapag ang espiritu ay inaalog ang mesa upang matabig ang baso. Usalin ang orasyon na ito ng isang beses:

"Imperat Tibi Deus Pater + Imperat Tibi Deus Filius + Imperat Tibi Deus Espiritu Santo + Imperat Tibi Domini Criste, Eternum Dei Verbum Caro Factum Absum! Absum! Absum!"


Kapag ang baso ay kumulo ay demonyo ang nasa paligid, at kaya kumukulo ang tubig ay dahil pilit nitong inaalis ang Krus sa loob ng baso.

Kapag ito ang sitwasyon usalin ang dasal na ito:

"Imperat Tibi Deus + Imperat Tibi Mahestas Domine Criste + Imperat Tibi Deus Pater + Imperat Tibi Deus Filius + Imperat Tibi Deus Espirito Santo + Imperat Tibi Sacramentum Crucis + Imperat Tibi Fides Sanctorum Apostolorum Petri Et Pauli, Et Ceterorum Sanctorum + Imperat Tibi Martyrum Sanguis + Imperat Tibi Contentia Confessorum + Imperat Tibi Pia Sanctorum Et Sanctarum Omnium Entercesio + Imperat Tibi Kristiano Fidei Misteriorum Virtus + Imperat Tibi Jesu Nazareno + Imperat Tibi Virgen Maria. Absum In Nomina Adonay. Amen"

Patunugin ang baso gamit ang kutsilyo ng tuloy tuloy na sasabayan ng pagusal ng pangalan ng Panginoon "Jesus".

*Kalimitan ay hindi pa natatapos ang dasal ng "Imperat" ay natatalo na ang demonyo dahil na din sa hindi nila natatagalan na marinig ang orasyon.

*Pagkatapos gamitin ang baso kasama na ang mga laman nito ay tinatakpan ito ng plastic at binabaon sa lupa.

*Minsan kapag ang lahat ng orasyon ng "Imperat" ay nakompleto kasama na ng pagpapatunog ng baso ng sunod sunod ay nahihigop sila sa loob ng baso saka ikinukulong at binabaon sa lupa.






Friday, August 1, 2008