Ang isa sa mga makakasira sa ginagawa ninyong pagoorasyon at ritual ay ang DUDA. Nababasa ko ang mga pagkaduda ng iba sa mga rituals at orasyones na ipinopost ko. At hindi na ako mageexplain pa ng pagkahaba haba ukol dito. Ihalintulad na lang naten ito sa nangyari kay Apostoles Pedro at Poong Jesu Cristo ng sila ay maglakad sa tubig. Hindi ba't ng matakot at hindi nagtiwala sa kapangyarihan ni Jesu Cristo si Pedro ay lumubog ang apostoles sa tubig? Si Jesu Cristo na makapangyarihan sa lahat na ang nagutos at nagbigay sa kanya ng kapangyarihan para maglakad sa tubig pero bakit kaya lumubog pa din si Pedro?
Nasabi ito ni Jesu Cristo kay Pedro:
(Mateo 14:31)
"Oh ikaw na kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nagalinglangan?"
Kaya kahit gaano pang kataas na kapangyarihan ang ibinigay sa inyo kung ito ay pinagdududahan niyo ay wala rin itong kwenta. Hindi ito tatalab at magiging walang kabuluhan lamang. Tandaan niyo, hindi ito umeepekto kung hindi kayo naniniwala. Hindi ito psychological kundi isang universal nature na ng kapangyarihan.
Talks about the True Filipino Witchcraft and Sorcery methods for Healing, Revenge, Love, and Everyday Life. Details about the Supernatural Beings will also be explained in some blog entries. Use the methods in your own risks.
"BE WISE AS A SERPENT, AND BE HARMLESS AS A DOVE"
Sunday, September 28, 2008
Thursday, September 18, 2008
Ritwal Sa Kandila
Upang utusan ang mga espiritu na tulungan ka para mangyari ang hinihiling na kung saan ang hiling ay hindi nauugnay sa sugal:
Bumili ng kandila sa araw ng biyernes. Puti para sa kabutihan at Itim para sa kulam. Pagsapit ng alas-6 ng hapon o kapag nagaagaw na ang liwanag at dilim sa hapon ay ibulong ito sa kandila ng tatlong beses ukol sa pag-gagamitan:
Para sa Hanapbuhay: "domine quis habetabit en tabernaculo tuum"
Para sa Pag-Ibig: "domine meo corpus nois exaltatum"
Para sa Kalaban: "exsurgat dios et desipentur enimici"
Para sa Proteksyon/Pang-gagamot: "dios in nomine tuum salvum mepac"
Para sa Kapatawaran: "miserere meo dios segunsu magnam"
Pagkatapos ay ibulong sa kandila ang:
"Benedictionem sa ngalan ng Dios Ama at ng kanyang mga anghel na ikaw ay maging banal at ibigay ang aking hiling sa ngalan ng kabanal-banalang pangalan ni Adonay.(Amen)"
Sindihan ang kandila.
Pagkatapos ay isulat ang orasyon na ito sa maliit na papel pagkatapos ay basahin ng pitong(7) beses:(habang hawak ang kandila. Kanang kamay - Mabuti, Kaliwang kamay - Masama)
"DEUS DEUS LIBERAMUS UMALLY DATE NATAM ICOM NOCT HIS OMINO. AMEN.."
Saka banggitin ang pangalan..
*Kapag ang ritwal ay para sa gagawa ng ritwal ay usalin ang ganito "Ako si (pangalan)" at isunod na banggitin ang hiling.(3x)
*Kapag ang ritwal ay para sa ibang tao ay usalin ang kompletong pangalan at ang gusto mangyari o hiling para sakanya.(3x)
Saka ipatong ang kandila sa papel at hayaang maubos ito. Magingat lamang at baka masunugan pa kayo ng bahay at tawanan pa kayo ng mga demonyo.
Pagkaubos ay tanggalin at itago sa maliit na kahon ang napaglusawan na kandila kasama ang papel ng orasyon na dumikit dito. Ulitin ang ritwal ng biyernes lamang. At kapag nangyari na ang hiling ay puwede na itapon ang kahon.

Tuesday, September 16, 2008
Ang Kataastaasang Libro ng Kapangyarihan
Ang Kataastaasang Libro ng Kapangyarihan
- Nagtataglay ng matataas na antas ng mga orasyon at riwal. Isinulat ng tatlong gabi ng walang tulog sa paguutos ng banal na espiritu. Ang libro ay bumibigat at hindi halos hindi nabubuhat ng taong sasamantalahin ang kapangyarihan na nilalaman nito. Kinatatakutan ng mga engkanto at gustong angkinin ng mga mangkukulam ngunit hindi mahawakan dahil sa poder na nakapaloob sa unang pahina nito. Ang mga dasal na napakaloob ay siya ring ginamit ng isang rebeldeng Obispo noong panahon ng kastila upang labanan ang mga kastilang sundalo.

Ang mga halimbawa ng mga orasyon na nilalaman nito:
Pantawag sa Hangin at Kulog
Sa kapangyarihan ng Atardar at ang dasal upang magpakita ang Banal na Espirito
At ang mga sumusunod:
- Pagkausap sa espirito ng taong buhay o patay gamit ang baso
- Pagutos sa mga Hayop
- Pagpasok sa mundo ng Duwende
- Pagpasok sa desyertong mundo ng tikbalang at mga enkantong kulong
- Complete instruction sa pag-gawa ng Cabal sa Katawan upang hindi tablan ng anumang bagay
- Pagpasok sa gubat ng Engkanto de Dios
- Magbago ng anyo
- Pahintuin ang Araw
- Pakikipagusap sa mga Angeles Rebeldes
- Ang Kapitulo sa Bibliya na kapag iyong binasa ng Pabaliktad ay magiging mangkukulam ka
- Ang orasyon sa pagtawag sa espiritong tagapagturo ng pangungulam
- Pagkuha ng Tagapagturong Engkanto
- Et al..
Ang mga matagal ng nagaaral ay maaaring narinig na ang librong ito at totoo nga na ito ay nag-eexist. Eto ay pinapasa pasa ng hanggang tatlong kopya lamang at binabaon o sinusunog ang orihinal na pinanggalingan kapag gumawa ng kopya.
Monday, September 15, 2008
Upcoming Topics
There will be a great revelation on the Filipino Occult on my upcoming topics. It wont reveal everything. But it will show or make you understand how the process of acquiring supernatural guides or supernatural power is operated.
Thursday, September 11, 2008
For Stolen or Missing Things That It Will Be Returned or Found (Not Tested/Proven)
Write the orasyon in a new white paper with a new red or black pen infront of the image of the Virgin Mary. Having candles as your only light. The Orasyon:
"+ CIAMACIA, + AMACIA, + AMSCIALA, + UAISTOU, + ALAM, ++ ELAST LAMASCH. "
After writing it, read the orasyon 9 times adding this words after every orasyon "ANG PAG-AARI KO AY MULING BABALIK SA NGALAN NG AMA, NG ANAK NG ESPIRITU SANTO.AMEN.", fold it three times and stick it on your main door. Do this in a Friday at sunset or at exactly 6pm. It is said that if the thing is not yet sold then it will come back after three days.
Saturday, September 6, 2008
Sa Pag-Ani ng mga Halaman
Ang orasyon:
"Sancto Mundo de Deus Eloim Darmelo Poder de Eden, Darmelo Poder de Masitas"
Pitong beses bago pumitas. Pag may gumambala huwag papansinin, hindi nila kayo kayang saktan.
"Sancto Mundo de Deus Eloim Darmelo Poder de Eden, Darmelo Poder de Masitas"
Pitong beses bago pumitas. Pag may gumambala huwag papansinin, hindi nila kayo kayang saktan.