Monday, October 27, 2008

Litanya/Orasyon ni Haring David Pampasuko sa Tao

Nilulubos ko na ang libreng panahon ko para magturo ng mga orasyon na inyong magagawa sa Biyernes ng hating-gabi. Ang orasyon na aking ibabahagi ay isusulat sa white coupon bond gamit ang bagong ballpen at isisilid sa loob ng pulang tela. Yung kasing laki lang ng tulad sa scapular na tela. O katulad na nga siya ng sa scapular ng Nuestra SeƱora del Carmen na may lalagyan sa loob. Ito ay itatali sa baywang o gawin kwintas kapag gagamitin.

Dapat nakaready na ang paglalagyan ng orasyon na ito. Mas mabuti na gawin sa harap ng altar at mga kandila lamang ang iyong ilaw.

Narito ang pangbuhay dito.

Isulat sa papel ang dasal na ito:

"OMNIS POPULI PLAUDETE MANIBUS IUBILATI DEO ENVOCE LAUDIS, QUONIAM YHVH ALTISSIMOS TERIBILIS REY MAGNO SUPER OMNEM MUNDO, CONREGABIT POPULOS SUBTER NOS ET TRIBO SUB PEDIBOS NOSTRIS, ELIGIT NOBIS EREDITATEM NOSTRAM GLORIAM JACOB QUAM DILEXIT SEMPER, ASCENDIT DEUS IN IUBILO DEUS INVOCE BUCINAE, CANETE DEO CANETE CANETE REGI NOSTRO CANETE, QUIA REY UNIVERSAE TERRA DEUS CANETE ERODITE, REGNABIT DEUS SUPER JENTES DEUS SEDET SUPER TRONUM SANCTUM SUUM, PRINCIPES POPULORUM CONREGATI SUNT POPULUS DEI ABRAAM QUONIAM DEI SCUTA MUNDO BEHEMENTER ELEVATA SUNT, IN NOMINA ELOHIM GIBOR."

Pagkatapos isulat ay dasalin ang Sumasampalataya hanggang sa "ipinako sa krus" saka ibulong ng Pitong beses ang orasyon at usalin ang susi na siya rin nitong pang-ganap:

"DOMINE S. EXIUM LIBIRATE DAVID DE M."

Saka ifold ang papel at isilid sa loob ng pulang tela. Ito ay gagawin ng pitong biyernes at pagkatapos nun ay ang susi na lamang ang siyang ibubulong sa loob ng tela ng pitong beses kada biyernes.


Sa pag-ganap:

Para paamohin, pasukuuin o palubagin ang loob ng isang tao o ng isang grupo man. Ito ay dapat nakakwintas sa leeg o nakatali sa baywang kapag gagamitin ang pang-ganap na orasyon.

Ito ay maaaring:

Ibulong ng tatlong beses sa tubig, alak o pagkain.

Ibulong ng tatlong beses habang nakatitig sa mata ng tao.

Ibulong 3x sa lana at lagyan ang noo o gitna ng dalawang mata ang tao habang natutulog.

Ibulong at ihihip sa batok.



*Ang basag ng orasyon ay hindi para sa lahat at siyang ibabahagi ko lamang sa mga taong naging mabuting reader ng site na ito.

Friday, October 24, 2008

October 31

Paumanhin at hindi muna ako gaano makapagsusulat dahil may preparasyon ako ginagawa para sa aking Calavera para sa sasapit na pista ng mga patay. Sadyang marami-rami ang isang uri ng halaman na kailangan gamitin sa pausok sa calavera at hindi ito madaling hanapin ngayong panahon. Pero ipapaalam ko na sa lahat na ang October 31 simula ng hating-gabi hanggang alas-3 ng umaga ay napakainam na gumawa ng mga rituals lalo na ang panggagayuma.

Mainam din na sa araw na ito o sa mismong gabi ng kapistahan ay kumuha ng mga lupa at kandila mula sa chapel ng sementeryo upang inyong gawing kandilang perdon.

Ibubulgar ko rin na ang Lana na may halong lupa galing sementeryo ay mainam na pampahid sa nakulam kung ito ay hindi na makuha sa kapangyarihang kanan. Kapag hindi mo na makuha sa mga dasal ng kanan ay parusahan mo gamit ang kaliwa. Ang lana ay dapat gawin sa araw na din na ito at kapag kukuha ng lupa galing sa sementeryo ay huwag na lilingon pabalik. Ang bendesyon sa may halong Lana na ito ay:

"+++ PATER DEUS MEUS JESUM CHRISTUM DOMINUM NOSTRUM, BENEDICTIONEM ESTA SACRA ARMA CONTRA TODOS MALINIGTIS Y ENCANTO ET BROHAS IMPACTUM, OH PODERO MITAM VALEO MEI INAEGER. +++ AMEN."




At dahil na rin sa ang gayuma ang pinakamainam na gawing ritual sa araw na ito ay ituturo ko ang una ninyo dapat sambitin kapag gagawin ang ritual na ito.

Ang pauna na dapat sambitin ay:

"HAI - HUC - HAO - HO, DOMINE SANCTI PATER, REY MUNDI DEO HAM + ECCERAT SEERAM MELRISIRE"

Saturday, October 18, 2008

Sa PagTuklas Sa Pag-Gamit ng Kapangyarihan ng Orasyon

Interesante ang tanong na ito na natanggap ko. Pano nga ba daw tutuklasin ang pag gamit ng orasyon? Sasagutin ko na lamang ito base sa aking sariling karanasan.

Kahit noong ako ay hindi pa nasasalinan ay pamilyar na ako sa lihim na karunungan dahil na din sa ang lahi namin ay malalim na ang kaalaman dito. At may mga pagkakataon noon na binibigyan ako ng orasyon ng aming mga Apong na walang kasamang instruksyon. Nakasulat lamang sa papel at yun na. Pero dahil sa ako ay pamilyar na sa pag-gamit ng mga orasyon ay hindi naging problema ang pagtuklas kung paano gagamitin ito. Katulad na lamang ng orasyon na binigay sa akin ng kapatid ng aking lola ukol sa mababangis na hayop. Ang orasyon para sa mababangis na hayop ay:

"MITAM TURVETAM TRUATECAM"


At ang pinakamainam na pinagtestingan ko nito ay ang aso na nakakulong sa likod ng aming bahay. Ito ay mabangis at hindi kumikilala ng amo. Kumbaga ay parang asong ulol na. Kapag nilalapitan ay nagwawala sa galit.

Una ko ito sinubukan sa araw ng biyernes. Binulong ko ang orasyon ng tatlong beses at lumapit ako sa aso pero nagwawala ito sa kulungan sa galit. Hindi gumana.

Pangalawa kong subok ay binulong ko ng isang beses habang nakatitig sa aso. Ngunit hindi pa din gumana.

Pangatlo ay binulong ko ng tatlong beses sa aking daliri at itinuro sa aso, wala pa din epekto. Kaya pinalipas ko na ang araw na iyon at hinintay ang susunod na biyernes. Hindi ko naman minamadali ang pagtuklas kung paano gamitin ang orasyon na iyon.

Dumating ang sumunod na biyernes at sinubukan ko muli. Una ay binulong ko ng isang beses at inihip sa hangin sa direksyon ng aso. Nilapitan ko ang aso pero nanggagalaiti pa rin ito sa galit.

Pangalawa ay binulong ko ng isang beses sabay padyak ng kaliwang paa ko sa lupa ng tatlong beses. Walang epekto. Sinubukan ko naman ibulong ng tatlong beses sabay padyak ulit sa lupa ng tatlong beses pero mas nainis lang ang aso sa pag-padyak ko.

Pangatlo ay binulong ko ito sa pagkain ng pitong beses at pinakain sa aso. Kinain pero wala pa din epekto sadyang mabangis pa din sa akin.

Nawawalan na ako ng pasensya sa orasyon sa kakasubok ko nito.

Ngunit muli ko pa rin itong sinubukan at inusal sa aking isip ng tatlong beses habang nakatingin sa mga mata ng aso. Pagkatapos ko usalin ito sa aking isip ay bigla na lang naupo ang aso at nanahimik. Unti unti ko ito nilapitan at tinitigan. Sinipa ko ang kulungan pero wala itong ginawa, nakaupo lamang at nakatingin sa akin.

At dun ko na naaprubahan at natuklasan ang pag-gamit ng orasyon na iyon.



*Ang pag-tuklas sa pag gamit ng orasyon ay may kaunting kahirapan. Dahil ang mga orasyon ay maaaring usalin, ibulong o isipin lamang. Ito ay maaaring dalawa, tatlo, lima, pito o siyam na beses uulitin. Maaaring gagamitan ng paturo ng daliri, palipad-hangin, pagkain, painom, tapal, et al..

Kaya mahirap magconclude ng sagot kung paano matutuklasan ang pag gamit ng orasyon. Maliban na lamang kung ikokonsulta mo ito sa iyong mga guides dahil siguradong malalaman mo ang mga instruksyon kung paano magagamit ang orasyon kapag sa kanila mo ito itatanong.

Mainam siguro na mag-experiment na lamang kayo at pagtiyagaan na tuklasin kung pano bubuksan ang kapangyarihan ayon sa gamit nito.

Sabi nga ng isa kong kamag-anak noong araw, kapag binigyan ka ng orasyon ng walang instruksyon ay para ka narin binigyan ng baril na magkakahiwalay ang mga parte. Bahala ka na sa buhay mo na matutunan na buuin at paputukin ito.


Wednesday, October 8, 2008

The Wheel For Thieves

Isulat ang mga banal na ito sa tatlong pirasong papel. Tatlong piraso sa kada stick ng wheel na nagawa niyo. Itatali ito gamit ang pulang tela sa bandang ibaba ng kada stick. Malapit na din sa gitna ngunit mas babaan niyo pa.

Sa unang stick: "KICSALISUM IRINECI"

Sa pangalawa: "KENEBA"

Sa pangatlo: "KEDESELAN EMACACALA ENACIRICA"

Sa pangapat: "TALAUM ANIMUM"

Sa pang-lima: "CARAC AREOA RIRIR AOERA CARAC"

Sa panganim: "MOREUM ROSORUM ELOHIM"



*Ito ay gagawin sa biyernes lamang at isusulat sa papel gamit ang ballpen na binili rin sa araw na yun. Ang pulang tela ay maaaring bilhin sa araw ng martes o biyernes. Ang sinulid na gagamitin pantali ay pula o itim na pantali(sinulid). Ang mangyayari ay ang pulang tela ay magiging panakip sa papel kapag itatali niyo na sa mga kahoy.

Ang ibang instructions ay sa susunod na.

Saturday, October 4, 2008

Kulam Para Mag Sugat ang Katawan

Ito ay para lagyan ng mga sugat ang katawan ng parurusahan sa ano mang parte naisin. Ito ay mapanganib kapag hindi ginamitan ng orasyon dahil hindi mo ito basta mababawi at maaaring sa sarili mo gumana.

Ritual:

Para lagyan ng sugat ang ano mang parte ng katawan ng iyong parurusahan ay kumuha ng __ na piraso ng buhok at larawan ng taong parurusahan. Sa araw ng Huwebes o Lunes ay kumuha ng itim na manok at huwag na dapat pakakainin.

Pag sapit ng 12 ng hating gabi ng Biyernes o Martes ay laslasin ang leeg ng manok at ipunin ang dugo sa platito. Ilagay o ibabad ang __ na piraso ng buhok ng parurusahan sa platito ng dugo at orasyonan ito.

Kung nais masugatan ang ano mang parte ng katawan ng parurusahan ay ilubog ang kaliwang hintuturo sa platito ng ilang sandali at gamit ang larawan ay tuldukan ng dugo ang parte ng katawan na gustong sugatan. Maaari din gumamit ng tusok ng balahibo mula sa kaliwang pakpak ng manok na iyong pinatay.

Kapag nalagyan na ng dugo ang larawan ay dalhin ito, ang manok at ang platito ng dugo at ilapag sa tabi ng puno na hindi kayang yakapin ng isang tao (Ang aking ginagamit ay ang puno ng Banyan o Sampaloc) at magsindi ng itim na kandila. Ulitin ang orasyon.

Iwan na lamang ang mga ito at umalis na. Huwag lilingon pabalik tanaw sa mga ito.

Obserbahan ang pinarusahan. Bibigat muna ang katawan nito at unti unti maglalabasan ang mga sugat. Kapag nangyari na ito ay kunin ang larawan at itago.

Kapag nais bawiin ay hakbangan ang larawan at saka punitin ng tatlong beses.







Para sa albularyo:

Mainam ang orasyon na "M. Podoroso" para labanan ang kulam na ito.