Wednesday, December 17, 2008

Sumpa sa Mangkukulam Mula sa "El Arma de Moshe.."

Ang Sumpa sa Mangkukulam mula sa "El Arma de Moshe Filii de Amram: Podoroso Sagrado Vocales":


"


EL DIABLO DE MALMAJICA ES MATADO POR EL PODER DE TETRAGAMMATON
AGRAT ESLAT BELUCIA ES MATADO POR EL PODER DE TETRAGRAMMATON

+++

PERVENHUMUS ENTEREBRO ALVEUS ENVISTRE VOCATUS INCANTAR PIMANAY + VESTRI CAPUT LINGUESERI FIO LIVIS TOSVENTUS PULSUS ABSENTIS VESTRI PAN MICATUS ES SPARSUM VESTRI MAJICA + IN NOMINA SANTISSIMA TRINIDAD VESTRI BEGETUS CROCUS COUD EN SUMANUUM EVOLO + VENEFICUS ADEO UT OMBRE ERANT PROPITIUS UT MIHI + COUD EGOSUM ERAM CORIUSUS + EGOSUM VENIT NON ENVESTRI MEDIUS + IN NOMINA +++, COUD VOS ES NON IUCUNDUS BOLO.
AMEN, AMEN, AMEN.


"



- instruksyon sa orasyon na ito ay sa susunod na post.

Friday, December 5, 2008

Ang Susi Ng SATOR



ANG SUSI NG "SATOR"



"ET PER SIGNUM + CRUSIM AGNUS DEI DEI DEI
PER PROTESTATEM DE SANCTO
M. SANCTU EGO HUM HARICAM
SPIRITO DEI MUNDI DEI DEI +++ SITEM
TISEM MESI MARCAM MIIM PECATA
MUNDI ANIMAMEA EGO TAM
J. M. A. V. M. V.
EVAT SANCTO MITAM NABARBARA
COVERITATIS VERBOM EGOSUM CRISTO
ASER EGO ABAINGOS NOIN SEDRUM HUM."




Pinadala ko na din sa iyo na humiling nito ang basag. Gamitin lang kung kinakailangan.

Wednesday, December 3, 2008

El Arma de Moshe Filii de Amram: Podoroso Sagrado Vocales II - Ang Preparasyon

Sa mga sumunod ko na pagsusuri at pagaaral ay unti-unti ko nadidiskobre ang libro at ang kapangyarihan na taglay nito. May mga bagay na nangyayari sa pagpapatuloy ko sa pagtuklas pero ang ganito ay natural na. At sa tulong na din ng aking mga taga-gabay ay nadadaig ko ang mga kakaibang pangyayari na ito.



Ang susunod ko na ibabahagi ay ukol sa preparasyon na gagawin para "....matamo ang estado divino upang makumbinsi ang kataastaasang Deus na lumikha, na ikaw ay pagkalooban ng kapangyarihan sa mga Podoroso Sagrado Vocales at maigawad sa iyong espirito at katawan ang Arma...."(Sa madaling salita ay ang preparasyon na siyang hihikayat sa Dios Ama na ipagkaloob sa gagamit ng Arma ang kapangyarihan o autoridad na magamit ang mga Podoroso Sagrado Vocales)




+++++++

(Mga bahagi lamang)


"..kailanma'y hindi mo maaaring dalhin ang libro sa bahay aliwan at sa lugar ng paglalamay, at hindi mo ito ipapahawak sa sinumang may imoral na katawan at espirito....walang sinuman ang may karapatan na dumapo ang kanilang paa sa libro at walang tao o hayop man ang maaaring lumaktaw dito... "


Part 1:

"......Nawa'y ipagkaloob sa iyo ng kataastaasang Deus ang grasya at kabanalan na kinakailangan upang maunawaan ang mataas na misteryo at lihim ng Arma; at upang makamit eto, ikaw ay makontento sa iyong sarili at huwag humiling sa kataastaasang Deus ng mas mataas pa sa nararapat na ipagkaloob sa iyo; sapagkat kapag ikaw ay nagnais na lumipad ng mas mataas pa at nilabag ang kalooban ng kabanal-banalang lumikha, tulad ng ninais makamit ni Luzbel, ikaw ay walang patutunguhan kundi ang kahiya-hiya at kalunos-lunos na pagbagsak sa lupa.


Samakatwid, ikaw ay kinakailangan na maging sukdulang malinis at banal ang paguugali, at isaalang-alang mabuti ang intensyon ng paglalarawan ng pamamaraan sa preparasyon ng Arma, na kinakailangan para matamo ang estado divino upang makumbinsi ang kataastaasang Deus na lumikha na ikaw ay pagkalooban ng kapangyarihan sa mga Podoroso Sagrado Vocales at maigawad sa iyong espirito at katawan ang Arma, na siyang ibinigay ng Deus kay Moshe at sa kanyang mga salinlahi."


Part 2:

"Ang pangunahin na dapat isaalang-alang ay ang kalakasan ng loob, dahil ang tao na mahina ang loob ay madaling saklawin ng mga demonyo, at sa kahinaan ng loob, ikaw ay madali nilang ililihis ng landas upang hindi maabot ang estado divino. Ang kahinaan din ng loob ang siyang nagiging sanhi ng pagiging mainipin na nagreresulta sa pagnanais na agarang maabot ang kapangyarihan upang mapaandar ang mga Podoroso Sagrado Vocales ng walang kapangyarihan mula sa Dios Ama...."


"..isaalang-alang din ang pagsasagawa ng preparasyon sa ligtas na lugar na kung saan walang sinuma'y makakapag-lugmok sa iyo sa kasamaan at karungisan bago pa sa katapusan ng preparasyon, dahil ikaw ay obligado na tapusin kung ano ang iyong sinimulan..."



Part 3:


"...tatlong araw bago ang preparasyon ay nararapat na ang iyong mga nakagawian ay maging kainaman lamang; na ikaw ay maging malaya sa mga tungkulin; maging malaya sa pagnanais sa mga materyal na bagay; malaya sa simbuyo ng pakikipagtalik; at ililihim ng mabuti sa ibang tao ang tungkol sa iyong preparasyon.."


"....sa mga araw ng preparasyon ay ikaw ay kinakailangan na magkaroon ng mapayapang buhay at mag-abstinensiya mula sa mga bagay na hindi makatarungan, at mula sa anumang bagay na
kawalang-galang sa Deus, kalaswaan, kayabangan, kasamaan, imoralidad, sa katawan maging sa espirito; halimbawa ay ang labis na pag-inom ng alak at pagkain, pakikipagtalik, pagmumura, paninirang-puri, pagsisinungaling, at lahat ng bagay na walang kabuluhan, sa halip ay gumawa ng mabuti, maging mapagtotoo sa pananalita, panatilihin ang kalinisang budhi sa lahat ng bagay, at huwag kalilimutan ang pagiging mapagkumbaba...."


+++++++


"...walang sinusunod na araw ang pagkamit ng estado divino, ngunit napatunayan na ng mga nakaraang banal na tumanggap ng Arma na ang makapangyarihang pagsisimula nito ay sa unang araw sa linggo* bago ang pagkabuhay...."

note:

*SEMANA SANTA - LUNESANTO


+++++++


--- Ang mga ibang bahagi ay hindi ko na isinulat dahil na rin sa kahabaan nito. Ang mga nakasulat rito ay ang sa tingin ko na importante na tandaan sa preparasyon ng pagkakaroon ng estado divino o maaaring sa literal na meaning ay ang pagkakaroon ng "DIVINE STATUS", na magbibigay ng kapangyarihan para gamitin ang Arma sa pamamagitan ng pag-gamit ng Podoroso Sagrado Vocales. Ang pamamaraan din ng preparasyon ay similar sa turo sa akin noon sa paghahanda sa mahal na araw upang makamit ng buo ang kapangyarihan. Maaari akong magdagdag ng mga bahagi(mga orasyon) at kung meron man ako nakalimutan pero sa ngayon ay ang mga ito muna. ---

+++++++

ANG PREPARASYON

"....at sisimulan na ang paghahanda na gaganapin sa unang umaga ng linggo ng preparasyon..."


"Una, bago pa man sumikat ang araw ay ikaw ay kinakailangan na naka-paligo at nalinisan mo na ang iyong katawan, at magsusuot lamang ng malinis na damit.. lumuhod sa harap ng iyong altar at taos-pusong manalangin sa Dios Ama, pasalamatan siya sa mga grasya na ibinigay niya sa iyo mula ng ikaw ay ipinanganak hanggang sa kasalukuyan, at buong mapagkumbaba mo ipagkatiwala ang iyong sarili sa kanya, at ikumpisal ang lahat ng iyong mga kasalanan, at magmakaawa na ikaw ay kanyang iligtas at patawarin mula sa iyong mga kasalanan. At ipagmamakaawa mo rin na sa darating na panahon na ikaw ay bigyan niya nawa ng grasya at kabanalan na ibigay sa iyo ang kapangyarihan sa mga Podoroso Sagrado Vocales at igawad sa iyo ang Arma, at ikaw ay patnubayan at gabayan ng Dios Ama sa kanyang banal na landas at kagustuhan, ng ikaw ay hindi mahulog sa mga kamay ng mga demonyo at kanilang mga maling gawain at landas...."

"...pagkatapos mo magdasal, bigyan ng pasasalamat, hingan ng tawad at bigyan ng papuri ang kataastaasang Dios Ama ay dasalin mo ang mga orasyon na ito:





PANALANGIN SA DIOS AMA:

PATRIM VENTORUM DEUM "AUM"
RELINQUIS DE MORUM LAUDAMUS
OMNIBUS IN RELICTUM ESCIAMET
ESCIT DOMINO ET DOMINE
CATIBUS ET PATER AC CAELUM
( ............ )
MISE LITUS ET MEORUAM COELIBUS
SEDIT DET IN VIRTICE ET DEO
ABTEROMA SAM CAM APORTOSUM
AC PATREM DEUM
"
(to be continued............)