Sunday, June 7, 2009

Para Ibalik Ang Ninakaw

Orasyon para ibalik ng magnanakaw ang anuman na ninakaw nito kung ito ay hindi pa naipagpapalit sa anumang bagay. 

Isulat ang orasyon sa dalawang papel at usalin ng tig-pitong beses sa bawat papel at hihip ng tatlong beses.

Idikit ang isa sa likod ng pinto at ang pangalawa naman sa ilalim ng pinto. Makaeksato o paglipas ng tatlong araw ay babalik ang magnanakaw upang humingi ng tawad at ibalik ang ninakaw nito. 

Ang makapangyarihang orasyon:


" Amram+ Reus Es , Isaac+ Redemptor Et Enstituo, Hacob+ Portavit Es Domus, Es Est Reus Ut Angustus Ut Chalibs Et Perum Cadena Et Compes +++ "


*idikit ng patalikod ang orasyon

Tuesday, May 12, 2009

SANTO IRADE SECRETO NARITAS

Dalawang taon na din ng una akong sumulat rito na noong nagsisimula pa lamang ako ay dinidikta ko lamang kung ano ang dapat isulat sa site na ito.

Mula noon ay marami na din beses na nakatanggap ako ng mga negatibong komento ukol sa hindi ko buong paghayag ng aking mga sinusulat o kaya naman sa nilalaman nito. At mas marami rin ang galit sa aking pagiging mapili sa mga tao na aking hayag na binabahagian ng aking karunungan. Marami rin ang nalilito kung ako ba ay nasa liwanag o nasa kadiliman.

Sa totoo lang ay talagang napakahirap na ipaunawa sa tao na tinuturing lamang ang ganitong karunungan upang isang panandaliang "libangan" lamang. May mga magsasabi na "Gusto ko matutunan ang ating lihim na kultura upang magamit na rin ito sa ikabubuti ng aking kapwa" ngunit sa dulo ng kanilang mga mensahe ay ito naman ang sasabihin -- "dahil nagbreak kami ng girlfriend ko", "mahina ang business ko ngayon", "lagi ako inaaway ng mga ka-klase ko", "tsismosa ang kapitbahay namin", o kaya naman ay "ninakawan ako ng kabit ko". Mayroon naman na labis ang pagiging interesado sa lihim na karunungan ngunit makalipas ang ilang linggo ay nagsasawa na rin at tinatalikuran na ang debosyon at pangako sa sarili na matutunan ang karunungan na ito.

HINDI ka maaaring maging estudyante ng lihim na karunungan kung iilan lamang ang nais mong matutunan mula rito. At hindi ba sapat na ikaw ay turuan o bahagian ng karunungan na siya mong magagamit sa spesipiko at pansarili mong kagustuhan? Dahil hindi mo puwede sabihing "gusto ko makakuha ng sarili kong engkanto na magtuturo sa akin ng lihim ng mundo" kung ang nais mo lamang talaga ay ang ibalik ang relo na ninakaw ng kapitbahay ninyo. HINDI PUWEDE.

Aaminin ko na mismo sa inyo na kapag ikaw ay pinamanahan o kukuha ng isang tagapagturo ay hindi ka parang binigyan ng alila na gagawin lahat para sa iyo. Dahil ang totoo ay magkakaroon ng pagkakataon na kayo ang mas maraming gagawin para sa kanila. Marami ang pagkakataon na ikaw ay kanilang uutusan. Uutusan para gumising ng umaga at kumuha ng ganito at ng ganyan. Gumising ng hating gabi upang pumunta dito o kung saan man. Huwag matulog hangga't hindi naisusulat lahat ang kanilang mga orasyon. Huwag hihinto hangga't hindi nahahanap ang isang medalyon. Huwag titigil hangga't hindi nagagamot ang ganitong bilang ng tao. Kulamin ang tao dahil ang taong eto ay tinawanan ka. Kulamin ang kapatid mo para mas lumakas ka. Orasyonan at patayin ang Baka ng kapitbahay mo para "ma-testing" mo ang bisa nito. Napakalaki nga "nila" ring tulong sa buhay mo kung nandiyan "sila" para sa iyo dahil magagawa mo ang mga bagay na hindi naaayon sa realidad, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandiyan sila para pagsilbihan ka. Kaya huwag kayo magagalit sa kung sinomang Manggagamot o Mangkukulam man kung "pili" lamang ang natuturuan upang malaman ang karunungan ukol dito, dahil hindi lahat ng bagay ay dapat unawain at intindihin. Hindi lahat ng bagay ay tinakda para sa iyo. Huwag padadala sa curiousity dahil ang mga engkantong iyan kapag inattach mo na sa sarili mo ay kapag nandiyan na sila ay nandiyan na yang mga yan, depende lang kung kayo ay binigyan lamang ng misyon dahil maaari kayo bumalik sa dati niyong buhay pagkatapos ng inyong misyon sa kanila(at mabilis ang inyong magiging pagtanda pagkatapos ng misyon).

Huwag kayo magreklamo kung hindi purong hayag ang binibigay sa inyo dahil kung para sa inyo talaga iyan ay magisa ninyo ito matutuklasan. Hindi pagdadamot ang ginagawa sa paghahayag nito dahil kung mayroon bahid ng pagdadamot ay ang buong ideya ng pagsusulat nito ay hindi na sana nangyari.

AKO rin ay hindi nagmamala-anghel at hindi rin ako sa demonyo. Wala ako sa ilalim ng mga kamay ng hari ng impyerno. Ako ay pantay sa dalawang karunungan. May mga tao na nagaakusa na "demonyo iyan kasi sinumpa niya si ganito" pero maging si Propeta Elijah man ay gumamit din ng lihim na karunungan upang puksain ang tao na nang-"insulto" sa kanya. Hindi ako impokrito, humingi ka ng tulong at tutulungan kita kung aking kaya at insultuhin o saktan mo ako at ikaw ay tuturuan ko ng leksyon. Balanse ang aking estado sa lihim na karunungan. Kung magkakaroon siguro ako ng motto ay ito:
"I CURE THE SICK, AND I HURT THE MEAN".

At makailang ulit ko na sasabihin. Kung ayaw niyo sa sinusulat ko ay magsilayas kayo at huwag niyo basahin ang anuman na nasusulat dito. Halata naman na ang iba ay masasabi na "inggit" sa karunungan ng iba. Kaya Benedictionem sa madali umintindi at Maledictus sa mahirap umunawa at matatalas ang dila.

Monday, February 16, 2009

Sumpa sa Mangkukulam Mula sa "El Arma de Moshe..": Ang Pag-Ganap

Ito ay sadya para sa mga may mga kalapit na mangkukulam sa kanilang tinitirahan.


Ang Orasyon:

EL DIABLO DE MALMAJICA ES MATADO POR EL PODER DE TETRAGAMMATON
AGRAT ESLAT BELUCIA ES MATADO POR EL PODER DE TETRAGRAMMATON

+++

PERVENHUMUS ENTEREBRO ALVEUS ENVISTRE VOCATUS INCANTAR PIMANAY + VESTRI CAPUT LINGUESERI FIO LIVIS TOSVENTUS PULSUS ABSENTIS VESTRI PAN MICATUS ES SPARSUM VESTRI MAJICA + IN NOMINA SANTISSIMA TRINIDAD VESTRI BEGETUS CROCUS COUD EN SUMANUUM EVOLO + VENEFICUS ADEO UT OMBRE ERANT PROPITIUS UT MIHI + COUD EGOSUM ERAM CORIUSUS + EGOSUM VENIT NON ENVESTRI MEDIUS + IN NOMINA +++, COUD VOS ES NON IUCUNDUS BOLO.

AMEN, AMEN, AMEN.



Ito ay dapat isulat sa papel gamit ang bagong ballpen at babasahin na dinidirekta o hinihihip sa papel ng siyam(9) na beses.


Mga ilan sa puwedeng gawin:

I.

Ilagay sa bote at ibaon sa lupa sa harap ng bahay ng mangkukulam. Ang punto ay doon sa lagi niya madadaanan.

II.

Ibabad sa tubig ang orasyon at magbabad ng prutas na maaari ibigay sa mangkukulam sa mismong tubig kasama ng orasyon na nakababad roon. Ibabad mo ng gabi tapos ay bukas mo na ibigay sa kanya ang prutas.

III.

Ilagay sa bote kasama ng orasyon. Samahan ng 9 na pako. At ibaon sa lupa ng mangkukulam. Mayroon nga eh dun pa mismo sa ilalim ng kubo o harap ng pinto ng bahay ng mangkukulam binabaon. Ang istilo nga lang ay bigas na nakabalot sa pulang tela(parang unan na napakaliit ang itsura) ang gagamitin tapos ay kasama nito sa loob ay ang orasyon na ito:

"ECCE CRUCEM SANCTO DOMINE JUGITES FARTES ADJURATE VISIT LEO DATRI JUDA RADIX DAVID ALELUYA ALELUYA ALELUYA MALEDICTUS ERIS SUPER TERRAM ET SUSCEPTE SANGUINEM FRATRES TUE DE MANO TUA ECCE VOX GLORIA PATRI ECCE VOX +++ MORI FILI DE DIABLO +++"

IV.

Usalin ang orasyon sa harap ng altar saka patunugin ang dalawang kutsilyo.(Tigisang kutsilyo sa bawat kamay at habang inuusal ang orasyon ay hinahampas sa isa't isa ang dalawang kutsilyo). Mababalisa at hindi mapapakali ang mangkukulam kapag ito ay iyong ginagawa.




- Sa I - III ay magkakasakit ang mangkukulam na hahadlang sa kanilang mga gawain. Ang problema nga lang ay yung mga kaya ka na balikan at hindi titigilan hangga't hindi mo tinatanggal ang sumpa. Maliban na lang sa mga mababagsik na papalapit ka pa lang ay alam na ang pinaplano mo. Kaya kaunting ingat at maraming pagpopoder sa katawan at espirito. Sa mga experienced naman ay mainam na ipako muna ninyo ang mangkukulam bago niyo gawin ito. Ang kagandahan lamang ay kapag ito ay napataw na sakanila ay magkakasakit at magkakasakit pa rin sila kahit gaano sila kabagsik.



Pasensya na kung natagalan. Kinailangan pang itesting ang ibang pag-ganap.

Friday, January 23, 2009

Ang Unang Asawa ni Adan

Medyo matagal din ako hindi nakapagsulat dahil ako ay may mga bagay na dapat paglaanan ng panahon na dapat laging nagiisa. Salamat na din sa pamangkin ko na siyang tulay upang mapamahagi ko dito ang pinapayagan na maipamahagi na kaalaman ukol sa ating sekretong kultura.

Ang susunod ko na topic ay galing pa rin sa Arma. Nang ito ay aking sinusuri ay napansin ko na may kulang sa pahina nito. Halata naman dahil kita na may pinilas na dalawang pahina. Ang natira lang ay ang instruksyon na "Orasyon Kontra Lilas". Pamilyar sa akin ang pangalan ni Lilas dahil ang kwento ni Lilas ay ilang ulit din nabanggit at pinagdebatehan ng aming nakatatanda(kabilang na ang nagsalin sa akin) noong araw. Pinuntahan ko ang aking pinsan na ang ina ay siyang may-ari ng orihinal na Orasyones Rotundus na ginagamit pa rin ng aking pinsan hanggang ngayon. Siya ang nakakasama ko noong araw sa mga pagtuturo na ginagawa ng aming mga matatanda, at kahit siya ay naaalala ang kwento ni Lilas. Ang iba't ibang kwento ay ganito:

I.

"Si LILAS ay ang UNANG asawa ni ADAN. Siya ay ginawa mula rin sa pinagmulan ni Adan at tinuturing na kapareho niya. Ang dalawa ay naging magkakompentensya sa estado at maging sa pakikipagtalik. Nagrebelde si Lilas at inabandona si Adan, at saka lamang ginawa ng Diyos si Eba. Si Lilas ay sinumpa si Adan at Eba at hindi lumaon ay nilamon ng kasamaan si Lilas at naging demonyo."


II.

"Si LILAS ay nagmula rin sa Langit at binigay ng Diyos kay Adan upang kanyang makasama, si Lilas ay walang bahid ng dugong tao (hindi niliwanag kung siya ba ay isang anghel, pero ang pagkakatanda namin ay kasama siya ng mga ibang anghel na pinalayas mula sa Langit) ngunit katulad ni Luzbel, si Lilas ay mapagmataas rin. Hindi siya sang ayon sa pagiging pantay ng tao at ng kanyang estado(kung ano man iyong estado na tinutukoy noon ay hindi malinaw) kaya ito ay nagrebelde. Lumayas si Lilas sa paraiso at saka ibinigay ng Diyos si Eba kay Adan."

- Katulad ng naunang kuwento ay tuluyang umanib si Lilas kay Luzbel. At ang nakakagulat sa kwento ay ang paniwala na nagkaanak si Lilas at Adan bago pa man ito umalis sa paraiso. At ang ang naging anak DAW nila ay si CAIN. Na siya raw eksplanasyon kung bakit nagawa ni Cain na patayin ang kapatid nito na si Abel -- dahil na rin si Cain ay hindi buong tao, kundi may bahid na ng natural na kasamaan mula sa kanyang ina na si Lilas.

III.

"Nang ginawa ng Diyos si Adan ay hindi nagustuhan ng Diyos na nagiisa si Adan sa Lupa, samakatuwid ay gumawa rin ang Diyos ng Babae mula rin sa pinagmulan ni Adan at tinawag siya na Lilas. Pero ang dalawa ay nagkatunggali sa estado, ang sabi ni Adan 'ikaw ay ginawa para sa aking kaligayahan kaya ikaw ay susunod sa akin.' ang sabi naman ni Lilas ay 'tayo ay lubos na magkaparehas lamang dahil tayo ay nagmula sa iisang lupa. Kaya ako ay hindi dapat sumunod sa iyo.' Ngunit tumanggi si Adan at hindi ito nagustuhan ni Lilas. At kahit malaking pinagbabawal sa kanila ay inusal ni Lilas ang kabanal-banalang pangalan ng Diyos at lumipad at tumakas palabas ng paraiso.

Tinawag ni Adan ang Diyos at sinabing 'Diyos ng sanlibutan! Ang babaeng ibinigay mo sa akin ay inabandona ako.' Dininig ng Diyos ang tawag ni Adan at nagpadala ng tatlong Anghel upang hanapin at pabalikin si Lilas kay Adan. Sabi ng Diyos 'Kung siya ay babalik ay hindi ko siya parurusuhan, kapag siya ay tumanggi ay iwan niyo siya ng mapayapa, ngunit iwan ng sumpa na lahat ng kanyang anak ay mamamatay sa bawat araw na lilipas.'

Nagpunta ang tatlong anghel kay Lilas na nagtatago sa gitna ng dagat. Hinatid nila ang mensahe ng Diyos ngunit tumanggi ito kaya nagbanta ang tatlong anghel na siya ay lulunurin sa dagat kapag hindi siya sumama pabalik kay Adan. At sabi ni Lilas 'bitawan niyo ako! Ako ay sinumpa samakatuwid ako ay ginawa upang saktan at patayin ang mga sanggol! Dinggin niyo ako at tandaan na ang aking kapangyarihan sa mga lalaking sanggol ay tatagal ng walong araw at sa mga babaeng sanggol naman ay dalawampu, pagkatapos na pagkatapos nila ipanganak!' ''



to be continued...