Sunday, September 25, 2011

Espada ni San Miguel Arkanghel



Espada ni San Miguel sa mga kalaban na kung saan kapag sinambit ang orasyon at gumawa ng mabilis na kampay ng paghati na para bang espada ang hawak ay magpapadala ng malakas na puwersa ng kapangyarihan sa kalaban. Ang kalaban ay maaaring maitulak, mabitawan ang hawak, hindi makagalaw o kung "pahihintulutan" ay masugatan ang katawang tao o kaluluwa ng tatanggap ng puwersa na ito kahit pa eto ay nasa malayo at hindi nakikita.

Ang kapangyarihan na eto ay natatamo sa tulong ng sagradong medalyon ni San Miguel Arkanghel. Eto ay dedebosyonan ng pitong biyernes gamit ang orasyon kay San Miguel at pag naganap na ay maaari ng gamitin kung kinakailangan sa mga kalaban na may masamang tangka.

Ang orasyon pang-debosyon ay:

[Hindi ilalathala sa publiko..]

Orasyon Pantaga ni San Miguel:

*Bago sambitin ang orasyon ay usalin muna ang salitang eto:

[Hindi ilalathala sa publiko..]

*Kapag nasambit na ang salita ay isunod ang orasyon na eto:

"V. Rex Quit Sicut Deus S. H. Deus Omnipotente Simpeternum Deus Omvi Creabit D. Angeles P. D. Sit Semper Nobiscum"

Pagkatapos usalin ang orasyon na eto ay saka ikampay ang kamay paharap sa kalaban.


*Kompletong detalye ilalathala sa libro.







****PAALALA****

Maaari lamang sa aking mga avid readers na mag-ingat sa mga manloloko at mapagpanggap na mga tao na gusto kayo maisahan. Ako ay maaari niyo lamang macontact sa email address na:

FilipinoSorcery@gmail.com

At wala ng iba pa. Ako ay hindi nagbibigay ng numero ng cellphone kaya mag-ingat na lamang sa mga manloloko na eto.

Huwag kayong mag-alala at hinihintay ko na lamang ang pagkamatay ng Luna at sisimulan ko na ang pagturo ng leksyon sa taong eto. Sisimulan ko sa mga taong importante sayo at ikaw ang magiging finale.

Monday, September 12, 2011

The Book 2

Gusto sana namin hingin ang opinyon ng mga mambabasa kung ang libro ba na ilalabas ni FS ay ipupublish po natin sa English or Filipino.

Anytime soon din po ay ipopost na po natin ang mga makaka-avail ng libro. Sa ngayon po ay nagkakaroon pa po ng pagpili dahil minsan ay kung hindi masyadong bata ang gusto maka-avail ay minsan naman ay nasa iisang lugar ang mga gusto maka-avail ng libro.