Ang ritwal ng panag-puros ay ang isa sa mga pinakamahalagang proseso sa mga manggagamot at mangkukulam ngayong papalapit na Semana Santa. Ang ritwal ng panag-puros ay ang paraan ng pag-titipon ng mga kagamitan sa panggagamot o pangkukulam. Sa mga araw ng panag-puros maaaring bumili, gumawa, mag-ani o mag-luto ng mga kakailanganin sa mga ritwal na gagawin para sa bagong taon na nagsisimula mula sa araw ng pagkabuhay.
Ang panag-puros ay binubuo ng 7 biyernes na nagsisimula sa unang biyernes pagkatapos ng Ash Wednesday at magtatapos sa Biyernes Santo.