Saturday, October 18, 2008

Sa PagTuklas Sa Pag-Gamit ng Kapangyarihan ng Orasyon

Interesante ang tanong na ito na natanggap ko. Pano nga ba daw tutuklasin ang pag gamit ng orasyon? Sasagutin ko na lamang ito base sa aking sariling karanasan.

Kahit noong ako ay hindi pa nasasalinan ay pamilyar na ako sa lihim na karunungan dahil na din sa ang lahi namin ay malalim na ang kaalaman dito. At may mga pagkakataon noon na binibigyan ako ng orasyon ng aming mga Apong na walang kasamang instruksyon. Nakasulat lamang sa papel at yun na. Pero dahil sa ako ay pamilyar na sa pag-gamit ng mga orasyon ay hindi naging problema ang pagtuklas kung paano gagamitin ito. Katulad na lamang ng orasyon na binigay sa akin ng kapatid ng aking lola ukol sa mababangis na hayop. Ang orasyon para sa mababangis na hayop ay:

"MITAM TURVETAM TRUATECAM"


At ang pinakamainam na pinagtestingan ko nito ay ang aso na nakakulong sa likod ng aming bahay. Ito ay mabangis at hindi kumikilala ng amo. Kumbaga ay parang asong ulol na. Kapag nilalapitan ay nagwawala sa galit.

Una ko ito sinubukan sa araw ng biyernes. Binulong ko ang orasyon ng tatlong beses at lumapit ako sa aso pero nagwawala ito sa kulungan sa galit. Hindi gumana.

Pangalawa kong subok ay binulong ko ng isang beses habang nakatitig sa aso. Ngunit hindi pa din gumana.

Pangatlo ay binulong ko ng tatlong beses sa aking daliri at itinuro sa aso, wala pa din epekto. Kaya pinalipas ko na ang araw na iyon at hinintay ang susunod na biyernes. Hindi ko naman minamadali ang pagtuklas kung paano gamitin ang orasyon na iyon.

Dumating ang sumunod na biyernes at sinubukan ko muli. Una ay binulong ko ng isang beses at inihip sa hangin sa direksyon ng aso. Nilapitan ko ang aso pero nanggagalaiti pa rin ito sa galit.

Pangalawa ay binulong ko ng isang beses sabay padyak ng kaliwang paa ko sa lupa ng tatlong beses. Walang epekto. Sinubukan ko naman ibulong ng tatlong beses sabay padyak ulit sa lupa ng tatlong beses pero mas nainis lang ang aso sa pag-padyak ko.

Pangatlo ay binulong ko ito sa pagkain ng pitong beses at pinakain sa aso. Kinain pero wala pa din epekto sadyang mabangis pa din sa akin.

Nawawalan na ako ng pasensya sa orasyon sa kakasubok ko nito.

Ngunit muli ko pa rin itong sinubukan at inusal sa aking isip ng tatlong beses habang nakatingin sa mga mata ng aso. Pagkatapos ko usalin ito sa aking isip ay bigla na lang naupo ang aso at nanahimik. Unti unti ko ito nilapitan at tinitigan. Sinipa ko ang kulungan pero wala itong ginawa, nakaupo lamang at nakatingin sa akin.

At dun ko na naaprubahan at natuklasan ang pag-gamit ng orasyon na iyon.



*Ang pag-tuklas sa pag gamit ng orasyon ay may kaunting kahirapan. Dahil ang mga orasyon ay maaaring usalin, ibulong o isipin lamang. Ito ay maaaring dalawa, tatlo, lima, pito o siyam na beses uulitin. Maaaring gagamitan ng paturo ng daliri, palipad-hangin, pagkain, painom, tapal, et al..

Kaya mahirap magconclude ng sagot kung paano matutuklasan ang pag gamit ng orasyon. Maliban na lamang kung ikokonsulta mo ito sa iyong mga guides dahil siguradong malalaman mo ang mga instruksyon kung paano magagamit ang orasyon kapag sa kanila mo ito itatanong.

Mainam siguro na mag-experiment na lamang kayo at pagtiyagaan na tuklasin kung pano bubuksan ang kapangyarihan ayon sa gamit nito.

Sabi nga ng isa kong kamag-anak noong araw, kapag binigyan ka ng orasyon ng walang instruksyon ay para ka narin binigyan ng baril na magkakahiwalay ang mga parte. Bahala ka na sa buhay mo na matutunan na buuin at paputukin ito.


36 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Thank you for sharing ho your experience while you were younger. Sir, when figuring out the powers of orasyon, do you do it lang during tuesdays and fridays or any day lang ho. What is it malakas ho ang powers nya during tuesdays and fridays?

    Best Regards
    Anne Cortez

    ReplyDelete
  3. KennethMau:

    Salamat. FS is back. hhhmmm pero wala nang shoutbox?

    Sir/Mr. FS, ask q lang if totoo bang laging may hihingin na kapalit ang mga espiritung tutulong sa atin sa mga orasyon na gagawin if magkabisa ito lalo na sa mga mejo malalaking kahilingan gaya ng panggagayuma kahit na mabuti o masama ang intensyon ng gumawa?

    ReplyDelete
  4. Kaya un mga libreto ng mga oracion para mapaandar mo eto ng buong husay ay kailangan makonsagra mo muna, poderin at susian mo eto, para mas mabisa ang epekto.

    ReplyDelete
  5. Sir FD

    Pls, You can Post oracion, sa tao para mawala at matigil ang paninira ingit at binabalak na hindi maganda.

    Maraming Salamat po...

    ReplyDelete
  6. Mang FS. siguro pwedi rin ho yan gamitin sa gayuma para sa tao, babae man o lalaki. para umamo, at pwedi rin siguro gamitin sa nigosio para umamo ang mga customer at sa mga mababangis na tao rin.

    ReplyDelete
  7. Hi. I am a writer, I am interested on writing a blog about your background. Don't worry it will be just your background and experiences. I won't ask for rituals and magic spells. Is it possible for me to interview you?

    ReplyDelete
  8. um,very interesting po ang post na ito.naaalala ko nung sinusubukan kong tumawag ng ahas..sabi sa akin nung nagturo,dapat eh tama yung blending ng boses ko habang tinatawag ko sila.marami akong sinubukang na blend pero wah nangyayari nuong una.until nagkabiruan kami nung nagshare sa akin nun at sinabi kong HINDI KO KASI DITO SA C________ PINAPALABAS ANG AHAS.SA MAYNILA,TITINGNAN KO KUNG MAGKAKAGULO.day after nu'n,nabalitaan ko na lang ang sunud-sunod na paglabas ng ahas sa kamaynilaan.hanggang ngayon e pinag-iisipan ko kung coin lang yun o dahil rin sa ginawa ko.

    ReplyDelete
  9. sir FS, pwede niyo po ba uli ilagay ang shoutbox? marami po kasing nangangailangan ng tulong ng iba at diba dati rin clinose niyo itong blog at ni reopen? sir Fs, i think everybody/thing deserves a second chance. pag may nagpost pa po ng orasyon, close na talaga shoutbox, please po pakibalik muna.

    -JB

    ReplyDelete
  10. Sir FS. me nakita ako sa friendster, ginawang friendster comment yong orasyon mo..

    ok lng ba sayo yun?

    ReplyDelete
  11. Is is possible to ask from you the complete orasyon for the gayuma (love spell) if you have it? I really dont want to bother Sir FS too much kasi baka makulitan sya sakin. If anybody here can share the complete orasyon for the Love spell, I would really appreciate it. Please email me at myvirtual.assistant.01@gmail.com. Thank you in advance.

    ReplyDelete
  12. ito po yong url nya:..
    e view mo lng lahat ng comments nya..

    http://profiles.friendster.com/50286196

    ReplyDelete
  13. Oh my! Oo nga... i checked yun site at kung ano ano ang nakapost dun sa friendster nya. Necromancer, buti nalang nasabi mo kay sir FS.

    AnneCortez

    ReplyDelete
  14. Isinave na sa comment area yun mga blog entry ni Sir FS.

    ReplyDelete
  15. Sir Sinubukan nyo ba na pumasok sa kulungan ng aso na mabangis after nyo ma test yung orasyon. Nagtatanong lang po?

    ReplyDelete
  16. non sense ang tanong mo, bka magalit si sir FS..bakit naman papasok si sir FS sa kulungan?.eh aso lng naman ang mg kasya sa kulongan..

    ReplyDelete
  17. hi sir FS..im so happy at nakita k itong site n ginawa nyo..kasi dami nyo natutulungan.. at isa n k s matutulungan nyo..bago lang po ako dito!..
    maraming salamat dahil ur sharing things sa ibang tao..

    liezl

    ReplyDelete
  18. Sinubukan ko ito sa aso namin pero hindi gumana.

    Ano ba ang dapat mong gawin para tumalab ang isang orasyon?

    ReplyDelete
  19. gud monning sir ang mitam turvetam truatecam po ba eh pang paamo sa mababangis na hayop? pero po kilangan po pa bang ganapan what i mean oh pakainin ng dasal oh uusalin lang po deretso na bibigkasin sa isip?at gsto ko rin po sana malaman sa mga salitng oracion kailangan po ba ng medalyon para ho matnahan sila sa medalyol para ho kung san ka pumunta kasakasama sila?

    ReplyDelete
  20. medyo natatawa ko sa kwento mo fs.. kasi talagang sinubukan mo na lahat tapos sa isip mo lang pala kelangan bigkasin. hehehe.. nakakatawa siya somehow kaya try ko din siyang gawin. hehe.. salamat sa pagshare.^^,

    ReplyDelete
  21. Sir panu po ba mapaibig ang isang tao gamit ang picture lang?? i need your reply po sir! thanks! ok lng po ba kung i-email nio po saken ung dasal and procedures? marylacman@yahoo.com thank you so much poh :)

    ReplyDelete
  22. Salamat po sir sa orasyon na ito, takot po ako sa mga asong grabe tumahol kaya po gusto ko po itong masubukan

    ReplyDelete
  23. hello po! gusto ko po sanang humingi sa inyo ng napakalaking tulong..gusto ko pong gumanti sa isang taong sumira ng pamilya ko..gusto ko po na magkaroon siya ng karamdaman na hindi magagamot ng kahit na sino..maliban lamang kung hindi siya humingi ng kapatawaran sa akin..wnasak niya ng pamilya ko, at inagaw sa amin ang lahat.ito pong account na gamit ko ay pagmamay ari niya.at nandyan na rin po ang kanyang larawan.sana po ay pagbigyan niyo po ako sa tulong na hinihingi ko! tatanawin ko po itong napakalaking utang na loob.

    ReplyDelete
  24. gusto ko po mlaman kung panu mkaganti sa babaeng gnago ko tulungan niu po ko gusto ko po bwian sya pra mtuto sya sa mga kamalian niya

    ReplyDelete
  25. pkipost na lang po sa fb ko gusto kong gmanti sa kanya mr.styley008@yahoo.com fb cuh po

    ReplyDelete
  26. sir pd po ba ako maging stUdEnt mO? bAguhan lang po kc ako sa mga ganitong bagay e. Tnx po e2 email ko. dgreat_adrian@yahoo.com

    ReplyDelete
  27. hi goodmorning sir fs, i am so thankful nahanap ko ung site na to.. i am studying witchcraft, as solitaire. but i am still seeking help and advise sa mga katulad niyo po na expert na sa ganitong bagay. gusto ko din po maging student niyo. please. thanks.

    ReplyDelete
  28. natawa ako sa una kuya(^-^)
    about sa pang-gigigil ng aso,sayo
    pero ng mabasa ko hanggang sa matapos,
    lalong lumawak ang pang-unawa ko
    na hindi dapat pala minamadali ang lahat ng
    bagay na gusto mong matutunan at malaman,
    kaylangan mo ng malawak na pag iisip
    at mahabang pasensya.
    babaunin ko itong aral sa bawat blog
    na nababasa ko sa mga post mo kuya.
    at magsisikap akong pag aralan kahit alam
    kong hindi ito ganun kadali.
    salamat uli (^-^)

    AYU

    ReplyDelete
  29. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  30. pang pa pilay sa aswang na orasyon..
    Narito po ang orasyon.. Lesu kristi corpus kristi curimeus salvame

    ReplyDelete
  31. pang pa pilay sa aswang na orasyon..
    Narito po ang orasyon.. Lesu kristi corpus kristi curimeus salvame

    ReplyDelete
  32. gud day po..!meron po aqng hubad n sto.nino.pero tama po b ung orasyon nya n deus natam liberanus umali sercum dati natam ecum noctum his omino?ano po b ang tama?..tnx po

    ReplyDelete
  33. ano po b ang tamang orasyon pra mapaibig ang isang babae sa tingin lng?salamat po

    ReplyDelete
  34. Gud pm sir fs san po b pedeng bumili ng libro nyo o kung pede po b akong pumunta s inyo mismo pr mgpaturo isa din po ako s my mga prob s asawa ang nanay ko po ay mahilig din po s mga love spell ako din po ay ganun nahinto lang po ako mgkainteres dito nung mabuntis ako at mg abroad.naging kampante n ako s pagmamahal ng asawa ko noon pero nung nagbarko sya nagbgo ang lahat.pero gusto kong maging maayos kami ulit hangang nbsa ko po ung blog nyo kya po nagkainteres po ako ulit. Sana po sir makabili ako ng libro nyo pls. e-mail nyo po ako....

    ReplyDelete
  35. gd eve sir sana maka tulong u kunting problema ko..yong best friend ko bigla nalang nag bago ugali,,gusto bumalik dati namin samahan kasi napamahal ko na sya..gosto ko gayumahin gamit picture nya,,d ko siya sasaktan gusto ko lang maalala nya ako at ma mis paminsan na dito lang ako handang tumolung lage at mag alaga nya,,tnx sir this is may ahming28639@gmail.com also my email add bramiel@yahoo.com or ramielbacalla@yahoo.com..gdbless us

    ReplyDelete

Comments with cellphone numbers and emails will be deleted. Please contact the author directly at FilipinoSorcery@gmail.com for your questions.