Sunday, November 30, 2008

Pang-Bakod sa Magnanakaw, Sakuna at Mal-Espiritus

Pang-Bakod sa Magnanakaw, Sakuna at Mal-Espiritus(but perhaps generally sa masasamang loob):

Pangproteksyon sa iyong bahay laban sa masasamang loob at sakuna. Kumuha ng 4 na maliliit na bote ng cough syrup o similar na bote na dark ang kulay.

Isulat ang orasyon na ito sa maliit na papel at ilagay sa loob ng maliit na bote:

"IGSAC IGMAC IGOT HUM"



Maari mo ito isulat ng vertical o horizontal. Kapag nailagay mo na sa loob ng bote ay iyan din ang ibulong mo sa loob ng bote ng tatlong beses saka mo agad na takpan. Apat ang gawin mo na ganito saka mo ibaon ang tig isang bote sa apat na sulok ng iyong bahay.

11 comments:

  1. Tanong lang po. Paano kung hindi pwedeng malibing sa apat na sulok ng bahay yung mga bote? nakasemento ho kasi. Wala bang ibang alternatives? (kung saan pwede ilibing)

    ReplyDelete
  2. ilagay sa apat na sulok kung saan hinding hindi ito magagalaw.

    ReplyDelete
  3. Sir FS, tuesday or friday pwedy gawin, as usual?

    ReplyDelete
  4. its plain to see what the problem here is.. people want complete teachings and if Sir FS post a ritual that could help us like this one nobody even bothers to say thank you but then if he post something that is discreet people rant over it and insults him. shame on you haters! you haters dont have any difference with gold diggers!

    ReplyDelete
  5. "Paraan ng pangagamot"

    Narito pa ang mga ibang oracion na magagamit sa ibat ibang uri ng sakit at karamdaman,
    na sinipi sa ibat ibang kasaysayan at aklat,na kalakip ang mga paliwanag kung paano
    ang paggamit at kung saan nauukol gamitin ang nasabing mga oracion.

    CRISTAC ORTAC AMININATAC


    Itoy sasabihin sa loob o sa sarili, saka ibulong sa malinis na tubig na inumin,
    bago ipainom sa may sakit. Ang tubig na matabang kapag nagbagoat nag iba ang lasa,
    sa halimbaway masaklap,mapait,maalat o matamis kaya para sa may sakit,
    samakatuwid ay may ispiritu na hindi mabutiat nakapipinsala o namiminsala.

    At upang mapatunayan minsan pa,ay kailangan subukan muli na painumin ng tubig,
    At ganito naman ang ibubulong:


    HOCMITAC AMINATAC HIPTAC


    kUNG ANG UNA AT IKALAWANG PAGSUBOK AY NAGKAISA,ay maaring subukin hanggang
    maikatlo upang lalong makilala ang katotohanan. Sa ikatlong pagsubok ay
    ganito naman ang ibubulong;

    AMPIC MIBEL GAYIM JESUS EXEMENERAU


    Ganyan ang dapat gawin pagsubok minsan,makalawa,hanggang maikatlo
    at sa ganyang paraan ay hindi namaaring makaila kung tunay na mayroon
    o walang karamdaman.

    Kung gayon ay maaring sabihin sa masamang ispiritu na umalis at huwag
    ng babalik.At sa pagpapaalis ay ganito naman ang sasabihin:


    IKAW NA KARUMALDUMAL NA ISPIRITU,AY LUMABAS KA SA MAY SAKIT,
    IWAN MO SYA AT UMALIS KA NA.

    At saka sabihin sa sarili ang sumusunod bago hipan sa bumbunan ang may sakit,


    SUBTIHOY MIDAD INSALIDAD QUILIMIDAD


    Kung minsan ay pinasasakit ang ulo, sinisira ang bait, inaalis ang pandinig,
    binubulag ang mga mata,

    Pinasasakit ang lalamunan, pinalalaki ang dila’ pinapagsusugat ang buong katawan,
    pinipilay at linulumpo upang huwag makalakad, pinapanghina ang katawan, inaalisan ng
    gana sa pagkain, at kung minsan naman ay pinalalakas ang pagkain ng may-sakit.
    Iba’t iba naman ang tawag o pangalan ng mga paraan ng pagbibigay ng sakit ng masasamang
    espiritu sa tao. May tinatawag na BABA O SAKAY, KAPIT O SAPI, PALIPAD-HANGIN, PAKAIN at
    iba-iba pa.
    Ang tinatawag na BABA o SAKAY, ay nakababa sa batok o sa balikat ng may-sakit ang masamang
    espiritu. Ang tinatawag na KAPIT o SAPI ay nakakapit o nakasapi ang masamang espiritu sa
    katawan ng may sakit. Ang tinatawag na PALIPAD-HANGIN ay sumasama sa hangin, at tumatapat
    sa may-sakit na hindi katulad ng BABA o SAKAy.

    Kung minsan ay pinapapasok ang masamang hangin sa loob ng katawan, karaniwan ay sa tiyan,
    ng may sakit.
    Kung minsan ay napapakain o sumasama sa pagkain at iyan ang tinatawag na PAKAIN.

    Kung minsan ay ang hanging ipinakakain lamang ng masamang ispritu ang laman ng tiyan.
    Iyan ay mapapalabas agad sa pamamagitan ng pagpapasuka o pagpapadighay sa may sakit na paiinumin
    ng tubig na binulungan ng mag sumusunod na oracion.


    CRISTAC ORTAC AMINATAC HOCMITAC AMINATAC
    DUYAAY MILUMIAT HOCBE VIROMIA UBARAM DACANA

    Narito naman ang mga oracion sa pangagamutan:


    Sa sakit ng ngipin;

    GRIGOS GRIGOS GRIGOS
    DIO MINI SANCTI MIRALCA
    AAM HAM SALVAME

    Sakit ng ulo:

    MATAM MAUM RUM MOUM BEM


    Ihihip sa dahon ng saging na may langis na panghilot:

    DIGNUM MAGNUM MATAM MITAM MICAM HAM GAYIM


    Ibulong sa kamay mo na may langis na ipanghihilot:

    ARAM AC ADAM AM ADAM

    ReplyDelete
  6. maitanong ko lang po.. may certain orasyon po ba para makalimutan ng isa o maraming tao ang isang bagay or sabihin na nating chismis at maling pagpapakalat ng impormasyon.

    ReplyDelete
  7. Sir FS minsan ko na po na-browse itong site niyo... Nagpadala na rin po ako ng email sa inyo kung paano kontrahin if parang ginagayuma ka ng ng isang tao para hindi ka magalit or makita yong mga mali niya... at anong hingiin niya sinusunod mo... Help po Sir FS...

    ReplyDelete
  8. kompletong pattern po doon sa ibalik ng magnanakaw ang ninakaw nya gaya po ng ninakawan ka ng cellphone,digicamera,loptop at mp3

    ReplyDelete
  9. Meron po ba ka yung Parehas na pangbabakod laban sa kulam ng masamang mangkukulam ?

    ReplyDelete

Comments with cellphone numbers and emails will be deleted. Please contact the author directly at FilipinoSorcery@gmail.com for your questions.