Medyo matagal din ako hindi nakapagsulat dahil ako ay may mga bagay na dapat paglaanan ng panahon na dapat laging nagiisa. Salamat na din sa pamangkin ko na siyang tulay upang mapamahagi ko dito ang pinapayagan na maipamahagi na kaalaman ukol sa ating sekretong kultura.
Ang susunod ko na topic ay galing pa rin sa Arma. Nang ito ay aking sinusuri ay napansin ko na may kulang sa pahina nito. Halata naman dahil kita na may pinilas na dalawang pahina. Ang natira lang ay ang instruksyon na "Orasyon Kontra Lilas". Pamilyar sa akin ang pangalan ni Lilas dahil ang kwento ni Lilas ay ilang ulit din nabanggit at pinagdebatehan ng aming nakatatanda(kabilang na ang nagsalin sa akin) noong araw. Pinuntahan ko ang aking pinsan na ang ina ay siyang may-ari ng orihinal na Orasyones Rotundus na ginagamit pa rin ng aking pinsan hanggang ngayon. Siya ang nakakasama ko noong araw sa mga pagtuturo na ginagawa ng aming mga matatanda, at kahit siya ay naaalala ang kwento ni Lilas. Ang iba't ibang kwento ay ganito:
I.
"Si LILAS ay ang UNANG asawa ni ADAN. Siya ay ginawa mula rin sa pinagmulan ni Adan at tinuturing na kapareho niya. Ang dalawa ay naging magkakompentensya sa estado at maging sa pakikipagtalik. Nagrebelde si Lilas at inabandona si Adan, at saka lamang ginawa ng Diyos si Eba. Si Lilas ay sinumpa si Adan at Eba at hindi lumaon ay nilamon ng kasamaan si Lilas at naging demonyo."
II.
"Si LILAS ay nagmula rin sa Langit at binigay ng Diyos kay Adan upang kanyang makasama, si Lilas ay walang bahid ng dugong tao (hindi niliwanag kung siya ba ay isang anghel, pero ang pagkakatanda namin ay kasama siya ng mga ibang anghel na pinalayas mula sa Langit) ngunit katulad ni Luzbel, si Lilas ay mapagmataas rin. Hindi siya sang ayon sa pagiging pantay ng tao at ng kanyang estado(kung ano man iyong estado na tinutukoy noon ay hindi malinaw) kaya ito ay nagrebelde. Lumayas si Lilas sa paraiso at saka ibinigay ng Diyos si Eba kay Adan."
- Katulad ng naunang kuwento ay tuluyang umanib si Lilas kay Luzbel. At ang nakakagulat sa kwento ay ang paniwala na nagkaanak si Lilas at Adan bago pa man ito umalis sa paraiso. At ang ang naging anak DAW nila ay si CAIN. Na siya raw eksplanasyon kung bakit nagawa ni Cain na patayin ang kapatid nito na si Abel -- dahil na rin si Cain ay hindi buong tao, kundi may bahid na ng natural na kasamaan mula sa kanyang ina na si Lilas.
III.
"Nang ginawa ng Diyos si Adan ay hindi nagustuhan ng Diyos na nagiisa si Adan sa Lupa, samakatuwid ay gumawa rin ang Diyos ng Babae mula rin sa pinagmulan ni Adan at tinawag siya na Lilas. Pero ang dalawa ay nagkatunggali sa estado, ang sabi ni Adan 'ikaw ay ginawa para sa aking kaligayahan kaya ikaw ay susunod sa akin.' ang sabi naman ni Lilas ay 'tayo ay lubos na magkaparehas lamang dahil tayo ay nagmula sa iisang lupa. Kaya ako ay hindi dapat sumunod sa iyo.' Ngunit tumanggi si Adan at hindi ito nagustuhan ni Lilas. At kahit malaking pinagbabawal sa kanila ay inusal ni Lilas ang kabanal-banalang pangalan ng Diyos at lumipad at tumakas palabas ng paraiso.
Tinawag ni Adan ang Diyos at sinabing 'Diyos ng sanlibutan! Ang babaeng ibinigay mo sa akin ay inabandona ako.' Dininig ng Diyos ang tawag ni Adan at nagpadala ng tatlong Anghel upang hanapin at pabalikin si Lilas kay Adan. Sabi ng Diyos 'Kung siya ay babalik ay hindi ko siya parurusuhan, kapag siya ay tumanggi ay iwan niyo siya ng mapayapa, ngunit iwan ng sumpa na lahat ng kanyang anak ay mamamatay sa bawat araw na lilipas.'
Nagpunta ang tatlong anghel kay Lilas na nagtatago sa gitna ng dagat. Hinatid nila ang mensahe ng Diyos ngunit tumanggi ito kaya nagbanta ang tatlong anghel na siya ay lulunurin sa dagat kapag hindi siya sumama pabalik kay Adan. At sabi ni Lilas 'bitawan niyo ako! Ako ay sinumpa samakatuwid ako ay ginawa upang saktan at patayin ang mga sanggol! Dinggin niyo ako at tandaan na ang aking kapangyarihan sa mga lalaking sanggol ay tatagal ng walong araw at sa mga babaeng sanggol naman ay dalawampu, pagkatapos na pagkatapos nila ipanganak!' ''
to be continued...
Sa naibahagi ni Filipino Sorcerer na kaalaman sa asawa ni Adan ay may bumalik sa aking alaala...napakatagal na panahon na noong una kong nadinig ang mga usapan noon ng mga matatanda sa amin..pero hindi ko na matandaan ang kabuuan ng kasay-sayan na ito ukol sa asawa ni Adan.
ReplyDeleteSa natatandaan ko lang na paguusap noon ng mga matatanda sa amin noon ay pinatulog din noon si Adan at pagkagising niya ay kasama na niya ang unag asawang ito na si Lila na nagmula din sa lupa. pero iniwan nga siya nito sa kadahilanang hindi nga magkasundo. Kaya ang minabuti nga ng Diyos ay kunin na lamang mula sa tadyang ni Adan ang gagawing babae upang nga sa kadahilanang kung galing sa kanyang sariling laman ay iibigin niya ang taong ito at iibigin din siya nito.
Salamat Filipino Sorcerer at naalala kong muli ang kasaysayang ito...sobrang napakatagal ng panahon ko itong nakalimutan.
helo po sir, maraming salamt po sa post. alam ko pong marami kaming matutunan dito sa blog po ninyo gaya po ng naishare nyo po sa amin, para sa akin po ngayon ko lang po nalaman ma may nauna pa palang asawa si ADAN. kasi po sa BIBLE ang sabi lang po si ADAN AT EBA lang ang nabaggit doon. aabangan ko po ang susunod sir maraming salamat po.
ReplyDeletehello Sir FS!
ReplyDeleteThank you for posting this. Noong nabasa ko ang post na 'to ay nag-search ako sa google ng "first wife of Adam". Surprisingly, may lumabas na site na ganitong ganito rin ang kuwento. Nakakagulat na ang mga matatanda natin ay mayroon ding tagalog version ng kuwentong ito. Patunay lamang na napakalawak ng pinagmulan nito at sadyang naikalat sa iba't ibang parte ng mundo. ito po ang site na tinutukoy ko.
http://users.erols.com/bcccsbs/lilith1.htm
Hango yan sa Aklat ng Mga Judio sa TALMUD.
ReplyDeletea very interesting story ka fs salamat po
ReplyDeleteLilas a.k.a. Lilith according to other sources:
ReplyDeleteGod then formed Lilith, the first woman, just as He had formed Adam, except that He used filth and sediment instead of pure dust.
matanong ko lang po sino po ang unanag adan an nilikha
ReplyDeletesi po unang adan na nilikha kasi po my nakapag sabi saakin na dalawa daw po ang adan alam ninyo po ba ito
ReplyDeleteIs Lilas Lilith?
ReplyDeleteShe's the first one who came to my mind while reading that..
Lilas is Lilith...in other version of the story Lilith (Lilas) was the serpent who tempted Eve to eat the forbidden fruit...
ReplyDeleteSIR FS,
ReplyDeleteI really need your help.. please reply nman po kau sa emails ko.. nandun na po ung prob ko and yung how to contact me.. please help me po..
Sir FS, may continuation na po ba? Its very interesting!
ReplyDeletehindi ko akalain na may unang asawa pala si Adan at pangalawa lamang si Eva at ang tanong ng aking isipan kung bakit hindi ito naisalin ng biblia at alam kung marami pang kababalaghang nangyayaring,miteryo at kapangyarihan na hindi nalalaman ng mga tao,salamat po sorerer at may bago akong natutunan at masaya po ako ngayon,na surprise lang po kasi ako sakng nalalaman sana ipag patuloy nyo po ang buong kasaysayan ukol dito at aabangan ko po ang susunod nito maraming salamat po.
ReplyDeletesir gumawa po kayo ng libro para maipublish nyo mga blog nyo..puede po nyo i-update ito o irevise para mabasa ng mga tao.
ReplyDeletecan u plz give oracion to float onthe water and air???
ReplyDeletengayon ko lang nalaman about dyan...
ReplyDeleteSir fs at mga ka blogger ko d2 s site,alam nyo po ba meaning ng '+' at a+g+l+a pashare naman po ng meaning gagawin ko lang sanang kwentas pag nakumpleto.Email nyo po ako kung cnu po nkakaalam.lachica.allan@gmail.com or lachica.allan@yahoo.com at e2 po digits ko o9098o3o524.Pasasalamatan ko po ng malaki ang mkpgshare skn ng mga yun.
ReplyDeleteSir FS mukhang nabasa ko na po iyan dko lang matandaan, BOOK of SHADOWS? english nga lang po iyo at LILITH ang pangalan niya roon ang unang asawa ni Adan. Sir Interesado po ako sa mga kaalaman nyo papano po ba matuto nito? venersfedelino@yahoo.com at REDFIRE WITHIN YOU ng FACEBOOK salamat po
ReplyDeleteAnd that lilith became the serpent of the tree, to lure eve and mess up everything....
ReplyDeleteAs far as I know sa mga nabasa ko..correct me if im wrong. About demonology.. Si lilas or lilith ay anghel.. Isa din sya mga fallen angel na pinatapon ng diyos sa lupa dahil sa pagrerebelde. Nag rebelde ang mga angel sa dahilan na ayaw nilang maging inferior sa Tao.. Dahil mas superior sila at mas unang nilkha ng diyos. Lucifer or luzbel ang leader nila sa rebelyon. Nang itinapon na sila sa lupa.. Hindi lahat ng fallen angel sumama Kay Lucifer yung iba nag kanya kanya na ng landas. Doon daw nabuo yung ibang malevolent spirit. Kaya may mga ibat ibang religion na nabuo sa mundo.
ReplyDeleteWow amazing story :)
ReplyDelete