Dalawang taon na din ng una akong sumulat rito na noong nagsisimula pa lamang ako ay dinidikta ko lamang kung ano ang dapat isulat sa site na ito.
Mula noon ay marami na din beses na nakatanggap ako ng mga negatibong komento ukol sa hindi ko buong paghayag ng aking mga sinusulat o kaya naman sa nilalaman nito. At mas marami rin ang galit sa aking pagiging mapili sa mga tao na aking hayag na binabahagian ng aking karunungan. Marami rin ang nalilito kung ako ba ay nasa liwanag o nasa kadiliman.
Sa totoo lang ay talagang napakahirap na ipaunawa sa tao na tinuturing lamang ang ganitong karunungan upang isang panandaliang "libangan" lamang. May mga magsasabi na "Gusto ko matutunan ang ating lihim na kultura upang magamit na rin ito sa ikabubuti ng aking kapwa" ngunit sa dulo ng kanilang mga mensahe ay ito naman ang sasabihin -- "dahil nagbreak kami ng girlfriend ko", "mahina ang business ko ngayon", "lagi ako inaaway ng mga ka-klase ko", "tsismosa ang kapitbahay namin", o kaya naman ay "ninakawan ako ng kabit ko". Mayroon naman na labis ang pagiging interesado sa lihim na karunungan ngunit makalipas ang ilang linggo ay nagsasawa na rin at tinatalikuran na ang debosyon at pangako sa sarili na matutunan ang karunungan na ito.
HINDI ka maaaring maging estudyante ng lihim na karunungan kung iilan lamang ang nais mong matutunan mula rito. At hindi ba sapat na ikaw ay turuan o bahagian ng karunungan na siya mong magagamit sa spesipiko at pansarili mong kagustuhan? Dahil hindi mo puwede sabihing "gusto ko makakuha ng sarili kong engkanto na magtuturo sa akin ng lihim ng mundo" kung ang nais mo lamang talaga ay ang ibalik ang relo na ninakaw ng kapitbahay ninyo. HINDI PUWEDE.
Aaminin ko na mismo sa inyo na kapag ikaw ay pinamanahan o kukuha ng isang tagapagturo ay hindi ka parang binigyan ng alila na gagawin lahat para sa iyo. Dahil ang totoo ay magkakaroon ng pagkakataon na kayo ang mas maraming gagawin para sa kanila. Marami ang pagkakataon na ikaw ay kanilang uutusan. Uutusan para gumising ng umaga at kumuha ng ganito at ng ganyan. Gumising ng hating gabi upang pumunta dito o kung saan man. Huwag matulog hangga't hindi naisusulat lahat ang kanilang mga orasyon. Huwag hihinto hangga't hindi nahahanap ang isang medalyon. Huwag titigil hangga't hindi nagagamot ang ganitong bilang ng tao. Kulamin ang tao dahil ang taong eto ay tinawanan ka. Kulamin ang kapatid mo para mas lumakas ka. Orasyonan at patayin ang Baka ng kapitbahay mo para "ma-testing" mo ang bisa nito. Napakalaki nga "nila" ring tulong sa buhay mo kung nandiyan "sila" para sa iyo dahil magagawa mo ang mga bagay na hindi naaayon sa realidad, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandiyan sila para pagsilbihan ka. Kaya huwag kayo magagalit sa kung sinomang Manggagamot o Mangkukulam man kung "pili" lamang ang natuturuan upang malaman ang karunungan ukol dito, dahil hindi lahat ng bagay ay dapat unawain at intindihin. Hindi lahat ng bagay ay tinakda para sa iyo. Huwag padadala sa curiousity dahil ang mga engkantong iyan kapag inattach mo na sa sarili mo ay kapag nandiyan na sila ay nandiyan na yang mga yan, depende lang kung kayo ay binigyan lamang ng misyon dahil maaari kayo bumalik sa dati niyong buhay pagkatapos ng inyong misyon sa kanila(at mabilis ang inyong magiging pagtanda pagkatapos ng misyon).
Huwag kayo magreklamo kung hindi purong hayag ang binibigay sa inyo dahil kung para sa inyo talaga iyan ay magisa ninyo ito matutuklasan. Hindi pagdadamot ang ginagawa sa paghahayag nito dahil kung mayroon bahid ng pagdadamot ay ang buong ideya ng pagsusulat nito ay hindi na sana nangyari.
AKO rin ay hindi nagmamala-anghel at hindi rin ako sa demonyo. Wala ako sa ilalim ng mga kamay ng hari ng impyerno. Ako ay pantay sa dalawang karunungan. May mga tao na nagaakusa na "demonyo iyan kasi sinumpa niya si ganito" pero maging si Propeta Elijah man ay gumamit din ng lihim na karunungan upang puksain ang tao na nang-"insulto" sa kanya. Hindi ako impokrito, humingi ka ng tulong at tutulungan kita kung aking kaya at insultuhin o saktan mo ako at ikaw ay tuturuan ko ng leksyon. Balanse ang aking estado sa lihim na karunungan. Kung magkakaroon siguro ako ng motto ay ito:
"I CURE THE SICK, AND I HURT THE MEAN".
At makailang ulit ko na sasabihin. Kung ayaw niyo sa sinusulat ko ay magsilayas kayo at huwag niyo basahin ang anuman na nasusulat dito. Halata naman na ang iba ay masasabi na "inggit" sa karunungan ng iba. Kaya Benedictionem sa madali umintindi at Maledictus sa mahirap umunawa at matatalas ang dila.
hi wortho9@yahoo.com.ph ang email ko, feeling ko meron na akong engkanto? d ko alam kung engkanto ang tamang salita kasi parang may ibang energy na dumadaloy sa katawan ko, minsan napakatalino ko minsan nakabobo ako minsan marunong akong magpredict pro habang nakukuha ko ito pumapangit ang buhay ko, gusto ku sana ma purify kasi mas maganda na soul mo ay eevolve kesa tulongan ka ng ibang espirito na maging best mo, parang soul evolution pakireply po, kaeelang site na ko na bumabasa tungkol sa paranormal world, PLEASE REPLY TY gusto ko kasi mapabuti at maging totoo ang buhay ko at make a better world=)
ReplyDeletehi magandang umaga..nais ko po na nasay matulungan nyo po ako.. 09997743420
ReplyDeleteuhmm.. magandang umaga po. namamangha po ako sa mga nalalaman niyo sa mga engkanto at duwende.. ngayon ko lang nabasa ang blog mo pero nacapture nito ang attention ko. kung pwede lang po. sana po magkwento ka pa tungkol sa mga kung anong lifestyle ng mga duwende at engkanto at kung ano pa yung mga papagawa nila sayo. naniniwala po kasi talaga ko sa mga creatures na hindi namin madalas makita. i mean bihira. salamat po.
ReplyDeleteHi magandang araw po sa inyo, noong bata pa po ako ay interestsado na ako sa mga latin at witchcraft marahil dahil ang mga lolo't lola at mga tiya ko ang mga albularyo. Ang lolo ko ay manggagamot gamit ang itlog ( Kinibit) ang lola ko ang may mutya.
ReplyDeleteNgunit wala na po sila para ma tutunan ko ang mga bagay na gusto kong matutunan. I really felt na there is something in me na hindi ko kayang ipaliwanag.
Like: Noon inaway ang aking kapitid dahil sa alagang baboy ng kapitbahay namin, inaway sya ng may-ari ng baboy at bigla kong na sambit na hayaan mo ate bukas mamamatay lahat ng baboy nya. At kina bukasan na patay lahat ang mga baboy nila. At marami pa ang mga bagay na nasabi ko at nagkatotoo.
Ano po ba ang ibig-sabihin nito?
Gusto ko pong mapag-aral ang akinbg kakayahan upang ma pa buti it.
Salamat po
hello po icecoldsugarandspice@yshoo.com ang email add q..nabasa q po yung articel nyo at maganda po yng mga nakasulat collge pa lang q ng bigla q nagkalhilg sa witchcarft my mag libro po qng binili para maunawaan ang witchcracft..my mga paniginp po my waring o sinyales na minsan nagkakatotoo pti mga salita na nagkakatotoo kng minsan.pls reply po..tnx po..gusto q kc malaman ang dahilan sa mga panaginip q at mga sinasbi
ReplyDeleteSa lahat sana gamitin nyo sa tama yung mga naka sulat dito kc pag nagkamali kayo, kayo din mapapahamak dahil sa alang kwentang pag gamit.... tsaka wag kayo maging masama, Isa ako sa tatapos sa inyo kung masama kayo......
ReplyDeletegud day si yanyan po ito and ask ko po sana kung papaano po binibigkas ang simbolong ito "+" na nakakbit po sa mga ilang salita sa orasyon?? christianquintas0208@gmail.com yan po ung email q. 09488478497 yan namn po ung defaultnumber q po.
ReplyDeletehi....im mario,ilang taon na rin ang nakakalipas ng mag-aral akong ng liham na karunungan,ngunit hndi ko matapos tapos at di ko matutunan ng husto ang lihim na karunungan dhil sa nahahati ang aking panahon sa pag-aaral...Sinimulan kong mag-aral ng matuklasan kong may third eye ako..at napapanaginipan ko yung mga nangyari sa buhay ko,bago pa man dumating..ngunit kalaunan dhil ang mga ito ay tila nawawala na sa akin..maari kayang mawala ito o nagsarado lamang na kusa at lalabas nanaman sa tamang panahon..?
ReplyDeletesalamat po sir FS sa site po ninyo .. malaking tulong po ito .. medyo matagal nadin po ako nag babasa dito ,totoo po na kahit hindi naiintindihan ay tuloy-tuloy parin sa pagbabasa, pero ngayun po ay mejoh hindi na po sumasakit ang ulo ko ,gumagamit po ako ng translator LATIN to Filipino ,google translator poh.. hindi ko lang po mapagtuunan ng full atensyon nag aaral pa po ako ..nasa college napo ako I.T po ang course ko.. james kenneth po pangalan koh .. pero nag tityaga po ako sa pagbabasa at nag simula na po ako sa pagsusulat ng mga orasyon po dito sa site nyo .. sana po patuloy parin po kayo sa pagsusulat sir FS .. hinahangaan ko po kayo sa taglay nyo pong karunungan na ipinamana sa inyo.. gusto ko po maging studyante nyo ,facebook acoount >
ReplyDeleteligerman45@yahoo.com .. more power poh .. God Bless Us All..
Sir humahanga po ko sa inyong kakayahan,nais ko po sana matuto katulad nio, meron po kc ko problema,meron kc isang taong nang aapi sakin gusto ko pa sxa gantihan o bigyan ng aral para malaman nia ung mga pagkakamali nia,pwede nio ba ko maturuan ng isang orasyon ?gusto ko LNG kc bigyan sxa ng leksyon.
ReplyDeleteSir Ito po ang email ko floresalvin1789@yahoo.com at eto po ung contact number ko 09225430346
ReplyDeleteHello po ask me lang po. Kc po ung amo me my canser of the bones daw po. Pero lahat ng parti sa loob ng katawan nya in good condistion, doctor said s only canser of the he have. But i feel and think, its s something made by witchcraft,
ReplyDeletegood day! po gusto ko sana maging studyente nio.. kung pwede po sana??
ReplyDeletewag po kayung mag alala malinis po ang intension ko at malakas din po ang pananampalataya ko.. ang hangarin ko po ay makatulong sa tao.
hintayin ko po ang sagot. nio maraming salamat po.
email : cindyblutaz@yahoo.com
Sir good evening po ako po ay walang kaaway pero gusto ko po matuto para makatulong sa mga tao turuan nyo po ako, pwede nyo po ba ako etxt sa 09483775448?
ReplyDeleteako Sir Fs nais ko talagang tuklasin ang kapangyarihan ko gusto ko po maging ka tulad ni lola isa syang albularyo at gusto ko po malaman ang lihim ng karunungan ung pinsan po ni papa ay mang kukulam hinahanap ko po ngaun siya hindi ko siya makita pero nag titiis parin ako mahanap ung pinsan ni papa sabi nila tigilan ko na daw dahil bata pa ako saakin lang naman ang alam nila porket bata larolaro lang un pero ako gusto ko po talaga ma tutuo plzz Sir Fs sana ibahagi mo ung nalalaman mo sakin plzz po interesado po talaga kasi ako e
ReplyDelete