Kung maaari lamang ay madaliin na at pagbubuklatin na lamang ang libro, pero narinig ko na ang isang paniniwala na kapag bara bara na binasa ang mga lihim na libro ay hindi mo ito matitigilan na basahin. Paulit ulit mo ito bubuklatin at babasahin ngunit wala naman pumapasok sa iyong isipan at walang maiintindihan. Kaya nagdecide na lamang ako na isa-isahin ang nilalaman nito. Kumuha ako ng notebook at dun sinimulan isulat ang aking natutuklasan at naiintindihan.
Sa pagtuklas ko sa libro na ito ay ibabahagi ko ang dapat lamang ibahagi. Kung mayroon man nakakaalam na tungkol sa libro na ito ay hindi ako mahihiya na itanong kung ano at para saan ba ito. Kung puwede sana ilagay ang mga larawan ng bawat pahina kagaya ng ginagawa ni Ka Tikbalang ay mas maganda ngunit sa ngayon ay hindi muna siguro maaari.
At pinagiingatan ko rin na ibuka ang aking bibig kapag binabasa ang mga kasulutan sa libro na ito. Mas mabuti na ang safe.
*******
Pagbuklat ng libro ay ang unang makikita ay ito
"
+++
IN NOMINA
DE
SANCTUS ET OMNIPONTENTES
DEUS
EL ARMA DE MOSHE FILII DE AMRAM
PODOROSO SAGRADO VOCALES
+++
"
Sa mga kasunod na pahina ay masasabi ko na ang mga nakasulat ay testamento sa pagpupuri sa kapangyarihan ng Dios Ama, testamento ng Misteryo, Lihim na kapangyarihan, Kaluwalhatian at Lakas ng "ARMA", testamento ng pagiging masunurin "nila" sa "kanya"(Sinong nila at sinong kanya?), at mga testamento pa ng pagpupugay sa kapangyarihan ng Dios Ama na utusan "sila"(?) na sundin ang mga mortal na gagamit ng "ARMA".
Madami pa ang nakasulat na matatawag ko na testamento na ang iba ay may basag at shortcut pa ng mga lihim na pangalan pero ang nakatawag sa aking pansin ay ang testamento na "...at kapag siya ay iyong tatawagin ay siya ay aakap sa iyo at pasusunurin niya ang limang prinsipales at kanilang caruajes, at ang mga kalihim at ministro na nakapailalim sa kanila, na umanib sa iyo, katulad ng paguutos niya sa pag anib at pagsunod nila kay MOSHE anak ni AMRAM... "
- Si MOSHE ay panigurado ang siyang tinutukoy na "kanya" at siyang pinagtutungkulan ng libro na ito. Pero sino ang tinutukoy na "sila"? Iyan ang aalamin ko at pilit na iintindihin.
*******
Sa pagpapatuloy ko sa pagbasa at pagintindi sa kasulatan ay natuklasan ko sa isang pahina kung sino si MOSHE. Ang pahina ay mayroon mga disenyo sa gilid na para bang nilagyan ng "border" at malamang ay dinagdag lang dahil halata na guhit kamay lamang ito, at sa gitna ng pahina na ito ay eto(hindi muna maaari ibunyag ang lahat ng kasulatan):
"
+++
Pakikipagusap ni Moshe sa Dios Ama sa Bundok ng Sinai
MAYS AFFABY ZIEN JARAMYE YEE.........
DAMAA YRSANO ...... LOYFOO LHAYYLY
YRE EYLVI ........ LYELEE LOATE........
LIDEFOY EYFOY........RAMEETY RYBITAASA......
SCIBIU RITE.......VETE EDE..........
RABABE CANOCANUBEC......
+++
"
- At sino pa nga ba ang nakipagusap sa bundok ng "SINAI" kundi walang iba kundi ang Propetang si MOSES. Pero bakit kaya MOSHE pa ang pinangalan sa kanya sa libro at hindi na lamang MOSES?
Pero ang importante ay natuklasan ko na nga kung kanino pinapatungkol ang libro. Ngunit para saan nga ba ang libro? Ano ang gamit ng ARMA? At ano ang PODOROSO SAGRADO VOCALES? At kaya naman siguro nilagyan pa ng mga disenyo ang pahina dahil na rin sa sadyang napakahalaga nga naman ang pakikipagusap ng Banal na si Moshe sa Dios Ama.
Pero hindi kailangan madaliin ang libro kaya sasagutin ang mga tanong na yan sa susunod na pagsusuri.
13 comments:
Mr. FS Magandang araw po sa inyo! Kamusta po? Gusto lang po magtanong baka po pwede na kayo po mismo ang gumawa ng orasyon para sa kaaway ko? Kasi po pakiramdam ko di po tumatalab yung ginagawa ko sa kanya. Kasi po nakikita ko po yung tao at parang walang pinagbago, mukha pa po siyang malakas at masigla. Pakiusap po tulungan nyo po ako kasi di po ako tinitigilan ng taong ito hangga't di ako bumabagsak. Patuloy pa rin po nya akong pineperwisyo. Pakiusap po tulungan nyo po ako. Pakiusap.
Tigilan na sana ninyo ang paglalathala ng mga orasyon na kulang at ipinagyayabang ninyo ang inyon mga aklat at nalalaman. Kung totoong marunong ka hindi sa ganyan paraan ang dapat mong gawin dahil walang kuwenta ang mga nilalathala mo.
meron po akong babaeng minahal d2 sa ibang bansa,ng magkahiway kami ay pinahirapan nya ako ng husto,ginawa ko na lahat ng paraan para magbalik sya skin ngunit naging matigas sya.tinawagan ko na halos lahat ng kamag anak nya bumalik lng sya skin ngunit wlang ng yari,gusto ko sana na tulungan nyo ako na makabawi skanya kung ano ang hirap na dinanas ay sana danasin nya rin ng masdoble pa.
Sir FS, maganda po itong nabuksan ninyong topic. Yung pangalan po ng librito, kung tama ang intindi ko ay "Ang Armas ni Moses, anak ni Amram (Abraham), mga makapangyarihang banal na salita".
Itong sumunod na "at pasusunurin niya ang limang prinsipales at kanilang caruajes, at ang mga kalihim at ministro na nakapailalim sa kanila, na umanib sa iyo, katulad ng paguutos niya sa pag anib at pagsunod nila kay MOSHE anak ni AMRAM", sa pakiwari ko ay invocation o pagtawag sa mga makapangyarihang espiritus invisibles (parang Goetia).
The Sword of Moses.
FS & FD
Ano po ba ang oracion para sa kaaway at para humito o matauhan.
keep in touch...
Kay kasamang FuerzaDivino, nasa "Sword of Moses" din ba yung "Pakikipagusap ni Moshe sa Dios Ama sa Bundok ng Sinai: MAYS AFFABY ZIEN JARAMYE YEE......... DAMAA YRSANO ...... LOYFOO LHAYYLY YRE EYLVI ........ LYELEE LOATE........LIDEFOY EYFOY........RAMEETY RYBITAASA......SCIBIU RITE.......VETE EDE..........RABABE CANOCANUBEC......" ?
Moshe is Hebrew for Moses. Same as Abram for Abraham.
May File ang Antingero Yahoo group na "The Sword of Moses" ang site nila complete ang nilalaman pero mga patinig kulang ng katinig ang nababasa mo lang tungkol sa mga banal na pangalan ng Diyos at pakikipag-usap nya Kay Moises na pagkalooban sya ng mapaghimalang kapangyarihan na gagamitin nya para mapalaya ang mga kababayan nyang Israel sa mapang-aping Pharaoh ng Egypt. At dalhin sila sa lupang pinangako ng Diyos kay Abraham ang kanilang ninuno.
i agree with tikbalang. kung sword of moses yan y is it that the paguusap sa bundok ng sinai is not included sa sword of moses which is found in the internet? i think the book he has is somethin very rare.
i dunno if im going to believe in some thing like this.
but im into desperation na.
someone want to make fun of me
and want me na mapakulam.
she really scares me off.
i nid a help mr fs
Moshe is in Hebrew Moses,
yun Amram , is known as Amrami who is the Father of Moses in this case si Moshe,
Moshe has a powerful tongue and had courage to command to the Jews,
but it's already said, pero i can tell you why it's in your hands,
Filipino's are the New Isralites,
The Lord cursed the Jews and Blessed the Filipino's
if you guys don't believe I will prove to you.......
Lupang hinirang means Land of the Promise........
Philippines is the Promiseland..... bless you for reading this...... i have more to expose to you, because this my task in this world,
Mga Taga Lupa, yun meron kampangyarihan, Bless you , Dyos Ama , Espiritu Santi, Amen .......
message from the lord is, work together as one......
Hello F.S.
PLease po paki send sa email ko kung anung orasyon para ibalik yung kulam nila sa akin sa mismong gumawa nito at nag-utos. Tulungan nyo po ako.
PLease email me at: ponteras_gerald@yahoo.com
Post a Comment