Showing posts with label podoroso sagrado vocales. Show all posts
Showing posts with label podoroso sagrado vocales. Show all posts

Tuesday, November 25, 2008

El Arma de Moshe Filii de Amram: Podoroso Sagrado Vocales I

Sinimulan ko na ang pagaaral at pagsusuri sa natagpuan ko. Pero hanggang sa ngayon ay bumibigat pa rin ang pakiramdam ko kapag hawak ko ang libro na ito. Ang mga unang tanong sa isip ko ay ano ba ang libro na ito, sino ang pinapatukuyan at ano ba ang ibig sabihin ng El Arma de Moshe Filii de Amram: Podoroso Sagrado Vocales.



Kung maaari lamang ay madaliin na at pagbubuklatin na lamang ang libro, pero narinig ko na ang isang paniniwala na kapag bara bara na binasa ang mga lihim na libro ay hindi mo ito matitigilan na basahin. Paulit ulit mo ito bubuklatin at babasahin ngunit wala naman pumapasok sa iyong isipan at walang maiintindihan. Kaya nagdecide na lamang ako na isa-isahin ang nilalaman nito. Kumuha ako ng notebook at dun sinimulan isulat ang aking natutuklasan at naiintindihan.



Sa pagtuklas ko sa libro na ito ay ibabahagi ko ang dapat lamang ibahagi. Kung mayroon man nakakaalam na tungkol sa libro na ito ay hindi ako mahihiya na itanong kung ano at para saan ba ito. Kung puwede sana ilagay ang mga larawan ng bawat pahina kagaya ng ginagawa ni Ka Tikbalang ay mas maganda ngunit sa ngayon ay hindi muna siguro maaari.


At pinagiingatan ko rin na ibuka ang aking bibig kapag binabasa ang mga kasulutan sa libro na ito. Mas mabuti na ang safe.




*******



Pagbuklat ng libro ay ang unang makikita ay ito

"

+++


IN NOMINA

DE

SANCTUS ET OMNIPONTENTES

DEUS

EL ARMA DE MOSHE FILII DE AMRAM


PODOROSO SAGRADO VOCALES


+++


"


Sa mga kasunod na pahina ay masasabi ko na ang mga nakasulat ay testamento sa pagpupuri sa kapangyarihan ng Dios Ama, testamento ng Misteryo, Lihim na kapangyarihan, Kaluwalhatian at Lakas ng "ARMA", testamento ng pagiging masunurin "nila" sa "kanya"(Sinong nila at sinong kanya?), at mga testamento pa ng pagpupugay sa kapangyarihan ng Dios Ama na utusan "sila"(?) na sundin ang mga mortal na gagamit ng "ARMA".

Madami pa ang nakasulat na matatawag ko na testamento na ang iba ay may basag at shortcut pa ng mga lihim na pangalan pero ang nakatawag sa aking pansin ay ang testamento na "...at kapag siya ay iyong tatawagin ay siya ay aakap sa iyo at pasusunurin niya ang limang prinsipales at kanilang caruajes, at ang mga kalihim at ministro na nakapailalim sa kanila, na umanib sa iyo, katulad ng paguutos niya sa pag anib at pagsunod nila kay MOSHE anak ni AMRAM... "


- Si MOSHE ay panigurado ang siyang tinutukoy na "kanya" at siyang pinagtutungkulan ng libro na ito. Pero sino ang tinutukoy na "sila"? Iyan ang aalamin ko at pilit na iintindihin.



*******

Sa pagpapatuloy ko sa pagbasa at pagintindi sa kasulatan ay natuklasan ko sa isang pahina kung sino si MOSHE. Ang pahina ay mayroon mga disenyo sa gilid na para bang nilagyan ng "border" at malamang ay dinagdag lang dahil halata na guhit kamay lamang ito, at sa gitna ng pahina na ito ay eto(hindi muna maaari ibunyag ang lahat ng kasulatan):



"
+++
Pakikipagusap ni Moshe sa Dios Ama sa Bundok ng Sinai

MAYS AFFABY ZIEN JARAMYE YEE.........
DAMAA YRSANO ...... LOYFOO LHAYYLY
YRE EYLVI ........ LYELEE LOATE........
LIDEFOY EYFOY........RAMEETY RYBITAASA......
SCIBIU RITE.......VETE EDE..........
RABABE CANOCANUBEC......

+++
"



- At sino pa nga ba ang nakipagusap sa bundok ng "SINAI" kundi walang iba kundi ang Propetang si MOSES. Pero bakit kaya MOSHE pa ang pinangalan sa kanya sa libro at hindi na lamang MOSES?


Pero ang importante ay natuklasan ko na nga kung kanino pinapatungkol ang libro. Ngunit para saan nga ba ang libro? Ano ang gamit ng ARMA? At ano ang PODOROSO SAGRADO VOCALES? At kaya naman siguro nilagyan pa ng mga disenyo ang pahina dahil na rin sa sadyang napakahalaga nga naman ang pakikipagusap ng Banal na si Moshe sa Dios Ama.



Pero hindi kailangan madaliin ang libro kaya sasagutin ang mga tanong na yan sa susunod na pagsusuri.

Monday, November 24, 2008

Lost Libreta

Nang maghalungkat ako ng mga libreta upang malaman ang sagot sa tanong ng isang reader ukol sa gamit ng isang medalyon ay isang napakainteresanteng libro ang nahanap ko. Hindi ko man nahanap ang sagot sa tanong ng isang reader ay natagpuan ko naman ang isang libro na minsan ay hindi ko pa nakita. Ang libro na ito ay nalaman ko agad na hindi sa akin dahil ng hawakan at buklatin ko ito ay naramdaman ko na naninigas at nangangawit ang aking mga kamay. Binitawan ko ito agad at umusal ng "SANCTA MATER MARAMATAM A. MOJA E. SALVAME" upang tanggalin ang kapangyarihan na nakaseal sa libro na ito. Ang libro na ito ay pagmamay-ari ng tao na nagpamana sa akin ng karunungan na taglay ko. At masasabi ko na ito ay isang importanteng libro para sa kanya dahil na din sa kapangyarihan na pinalibot niya dito.

Ang titulo ng aklat ay "El Arma de Moshe Fili de Amram" at may subtitle na "Podoroso Sagrado Vocales". Pipilitin ko na makapagshare ng mga nilalaman mula sa libro na ito. At kung mayroon naman na nakakaalam o may hawak ng libro na ganito ay feel free na iemail ako.




At para naman sa mga tanong ukol sa gayuma sa banga:

- Ang mga kandila ay hindi na kailangan pang ubusin. Kung maaari nga ay ulitin ang ritual sa susunod na biyernes at kung ano ang ginamit mong mga kandila ay iyon din ang gamitin mo sa ritual.

- Basta itago niyo mabuti ang banga. Hindi dapat masikatan ng araw. At huwag na huwag ipakikita o ipapaalam sa iba ang ukol dito.

- Nasa straight line ang mga kandila sa color format na binigay ko.

- Kahit anong ritual ay huwag ninyo ipaglandakan na gagawa, gumagawa o gumawa kayo ng ritual o pagoorasyon katulad na lamang ng ginagawa ninyo sa chatroom. Maaari ninyong linawin ang instruksyon pero huwag ninyo sabihin ang about sa ritual ninyo. Napakaimportante ng pagiging masekreto lalo na sa inyong mga baguhan pa lang.

- Isulat ang orasyon sa isang papel saka ninyo ulit kopyahin sa isa pa. Kahit anong orasyon na inyong kokopyahin o ililipat sa inyong libreta ay dapat ay sinusulat muna sa isang papel at saka kopyahin mula sa papel na iyon.