Friday, October 24, 2008

October 31

Paumanhin at hindi muna ako gaano makapagsusulat dahil may preparasyon ako ginagawa para sa aking Calavera para sa sasapit na pista ng mga patay. Sadyang marami-rami ang isang uri ng halaman na kailangan gamitin sa pausok sa calavera at hindi ito madaling hanapin ngayong panahon. Pero ipapaalam ko na sa lahat na ang October 31 simula ng hating-gabi hanggang alas-3 ng umaga ay napakainam na gumawa ng mga rituals lalo na ang panggagayuma.

Mainam din na sa araw na ito o sa mismong gabi ng kapistahan ay kumuha ng mga lupa at kandila mula sa chapel ng sementeryo upang inyong gawing kandilang perdon.

Ibubulgar ko rin na ang Lana na may halong lupa galing sementeryo ay mainam na pampahid sa nakulam kung ito ay hindi na makuha sa kapangyarihang kanan. Kapag hindi mo na makuha sa mga dasal ng kanan ay parusahan mo gamit ang kaliwa. Ang lana ay dapat gawin sa araw na din na ito at kapag kukuha ng lupa galing sa sementeryo ay huwag na lilingon pabalik. Ang bendesyon sa may halong Lana na ito ay:

"+++ PATER DEUS MEUS JESUM CHRISTUM DOMINUM NOSTRUM, BENEDICTIONEM ESTA SACRA ARMA CONTRA TODOS MALINIGTIS Y ENCANTO ET BROHAS IMPACTUM, OH PODERO MITAM VALEO MEI INAEGER. +++ AMEN."




At dahil na rin sa ang gayuma ang pinakamainam na gawing ritual sa araw na ito ay ituturo ko ang una ninyo dapat sambitin kapag gagawin ang ritual na ito.

Ang pauna na dapat sambitin ay:

"HAI - HUC - HAO - HO, DOMINE SANCTI PATER, REY MUNDI DEO HAM + ECCERAT SEERAM MELRISIRE"

5 comments:

Anonymous said...

Thank you for posting Sir FS given your busy schedule. we appreciate it. THank you rin po for bringing back the shout box.

AnneCortez

Anonymous said...

From: KennethMau ;

ThNks Mr. FS for revealing this special day to us for casting gayuma spells. Too bad may work pa rin aq that night. pero ggawin q dto ung spell sa banga ng 6pm.

Di pa xe nasosolusyunan ung love problem q sa isang ritual na ginawa ko eh.

pagpopoder Sa Cadina de Amor na libro po itong nakapost dto ah.

Anonymous said...

gud am po c gie po ito,sana matu2nan ko rin po kng pano gamitin yan,ang dami ko pung nabasa interesado po akong matu2nan ho lahat n basa ko.ask ko lng po,fro exmple,pag gumamit ho ako nito hindi po b bumabalik skin un ginawa ko.

Anonymous said...

paumanhin po pero kailangan bang bungo ng tao talaga yung gamiting calavera? puwede rin po ba kahit bungo ng hayop ang gamitin?

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/