Friday, August 22, 2008

Ang mga Uri ng Duwende

Sa susunod na lesson ko ay ukol sa mga duwende. Kung makikita niyo sa libro na pinagkaloob ko ay may mga orasyon para sa mga ito. Pero dapat magingat at hindi na lamang basta ginagamit ang mga orasyon at ritwal na ito. Kailangan niyo muna malaman kung ano ba ang mga characteristics ng mga duwende para hindi kayo malinlang. Malalaman niyo ito ayon sa kanilang kulay. At sa kanilang mundo ito ay para bang kanilang tribo.

Most ng mga duwende ay mga SINUNGALING. Kaya hindi dapat agad nagtitiwala dito kahit na may orasyon pa kayo. Huwag din basta uusal ng orasyon na galing sa kanila kung ang mga ito ay hindi "attached" sa iyo. Kontra din sa paniniwala na ang mga ito ay mahilig sa sigarilyo at alak ay ang mga ito ay mas napapakiusapan sa pagaalay ng manok. Ang mga ito ay nalulusaw sa asin at ang mga nanggugulo ay hindi natatagalan na marinig ang mga pangalan ng Diyos Ama.


Duwendeng Itim
:

Kontra sa paniniwala ng marami na ito ay nakasuot ng over all attire na black ay ang itsura ng mga duwendeng itim ay mahahalintulad sa mga taong grasa.. Nakakatawa pero totoo. Sila ay mukang madudumi, punit punit ang suot na para bang gawa sa telang itim. Sila ay nakayapak lamang at mayroong amoy na parang nabubulok. Ang mga ito ay kampon ng mga diablo at ubod ng sinungaling. Hindi dapat nagtitiwala agad at huwag na huwag agad tatanggap ng kung ano mang bagay mula sakanila. Mahirap kausapin at nanlilinlang na magpatikim ng kanin na itim upang ang iyong katawan o iyong kaluluwa ay kanilang maging alila.

Duwendeng Pula:

Neutral ang mga duwendeng pula. Mayroong mga mababait at mayroon naman mga ubod ng sama. Hindi dapat agad nagtitiwala dahil karamihan ay mga sinungaling. Sila ay tagapagturo ng mga orasyon at mahilig sa alay na manok. Strikto sa pagtuturo ng orasyon, hindi ka patutulugin hanggat hindi mo naisasaulo ang mga orasyon na naituro. Nagbibigay ng agimat. Madaling tawagin pero mahirap paalisin. Kapag ikaw ay nagustuhan ay lagi silang nagpapakita at sumusunod saan ka man magpunta. Nagpapatikim din ng kanin na itim na hindi mo dapat kainin.


Duwendeng Berde:

Ang mga ito ay mababait ngunit mahirap pakiusapan. Sila ay mahilig magpakita sa bata dahil ang mga ito ay natutuwa sa mga paslit. Alam nila ang mga mangyayari sa future at alam din ang mga lumalabas na numero sa sugal(jueteng, lotto), ngunit galit na galit sa mga ganitong bagay(sugal). Nagbibigay ng bulaklak sa palad na makapang-aakit sa sinumang babae. Nagtuturo ng kinalalagyan ng kayamanan kapalit ng alay. Nagtuturo ng gamit ng mga halaman at orasyon para sa kalikasan. Kapag sila ay tinawag gamit ang orasyon, sila ay nagpapakita ngunit nakaupo lamang at hindi ka kakausapin. Hindi rin titingin sa iyo at parang walang naririnig. Kumbaga medyo bastusin. Kaya kapag ito ay tatawagin at kkonsultahin ay gagamit kayo ng bata para kausapin ito. Pero magiingat dahil kapag natipohan ang bata ay maari ito maging "attached" sa bata at baka isama pa sa kanilang daigdig.


Duwendeng Puti:

Alagad ng Diyos. Malumanay magsalita at hindi gumaganti kapag inalipusta ng kapwa duwende. Nakapanggagamot ng pinakamalakas na barang ngunit namimili lamang sa kanyang tuturuan at pagpapakitaan. Tagapagturo ng mga orasyon at nagbbendesyon ng mga agimat para sa bilis, invisibility, lakas, at iba pa. Nagbibigay din ng bulaklak sa palad na makapang-aakit sa sinumang matipohan. Kapag hindi ka nagustuhan ay hindi na ulit magpapakita sa iyo.


Huwag tumawag ng ibat ibang nilalang sa loob ng iisang linggo lamang. At importante na tandaan ang kanilang pangalan at huwag na huwag gagawa ng kasunduan kahit na napakasimple lamang.


Siguro ay tama na ang mga impormasyon na iyan pandagdag sa kaalaman niyo. Minsan kapag ito ay tinawag ay sila na mismo ang nagtuturo sa iyo ng iyong gagawin. Alalahanin niyo na nasa lesson pa din tayo at hindi niyo pa puwede gamitin ang nasa libro. Sundin muna ang mga paghahanda at pagaralan mabuti ang turo sa inyo. Hindi basta basta ang makiugnay sa mga engkanto.

32 comments:

Carevalo said...

Maraming Salamat po sa inyo Apong. Ngaun ay hndi na magkkaron ng confusion sa mga nkasaad na oracion.

Isabel said...

we should keep this in mind since communicating with duwendes is one of the essentials in one section of Apong's book.

anima santi said...

Apong, why are the recent posts deleted po pla? may new orasyon po ako na hndi pa po nkkopya.

SangreTrinidad said...

Apong ung prayer po ba ay pagsunudin or after magappear?

Ariel said...

Opo san na po iba post? Pano po dpa nkcopy new oraciones?

isabel said...

hndi nakikinig si sangre sa turo..

FuerzaDivino said...

saan kaya ako makakabili ng libro na nabanggit nyo dito?

ai said...

isabel, may email add ka ba? pwede ka ba i-message?

ai said...

sir FS, pano po ba ko magiging worthy para maging student nyo rin ako?

jixxy said...

ano po yung Apong's book? hindi po ako makasabay sa discussion nyo. paano po ba ang mga pantawag na orasyon? at paano makatawag ng duwendeng puti?

Anonymous said...

meron po bang duwendeng kulay dilaw? o kulay gold?

niphilim.marcus said...

Apong? Sinong Apong? Iyan ba ang pangalan ni Sir FS? Hehe.... hindi siguro. Pantawag lang siguro yun.

Hindi ko alam nagtuturo pala ng private si sir FS.

Hmmm...

bloger9 said...

Magandang araw po Sir FS.
Tutuo po etong dewende, kasi po
na dwende po ako.

Doon po sa lumang bahay namin sa probinsiya. Dati po kasi naririnig
ko po sa lumang bahay ng lola namen yong yapak ng mga paa ng mga dwende, tila ba nag lalaro sila at lahat kami sa bahay na yon naririnig ang mga yapak nila.
Yong mga gamit namen madalas nawawala tapos pagkalipas ng ilang araw ay babalik din.

Hagang sumakit ang leeg ko natuklasan ko na lang na dwende pala ako, noong nag pakonsulta kame kay Rev. Alex Orbito sa Pangasinan, may 3rd eye kasi siya.

Pinayohan ako magdasal kaya ayon mula noon nag dadasal ako ng Holy Rosary, noong nag uumpisa na ako mag dasal ng rosary may naririnig ako na mga yapak sa higaan ko. At tutuo po rin yong sinabi niyo na di nila makayanan ang salitang DIYOS AMA o AMA.

At doon ko rin natuklasan ang kapangyarihan ng Holy Rosary
http://theholyrosary.org/rosarypower.html

kaya pala lagi nanalo si Manny Pacquiao ng dahil pala sa Holy Rosary.

Salamat sa mga Blog mo Sir FS ngayon mas nalinawagan na ako.

lia said...

Hi! just saw theis website yesterday, saan ako makakakuha ng librong binabanggit nio?

Anonymous said...

Gandang araw po. gusto ko po sanang hingin ang orasyon ng para sa mga puting dwende kasi po dito po sa may bakuran namin ay may puno ng duhat at doon nakatira ang mga kaibigan ng nanay kong puting dwende. Kaibigan ng nanay ko kasi naman po ayon sa kwento ng nanay ko ay nung 9 years po siya at sa Pangasinan po ang hometown niya ay may mga puting dwende daw po na gustong makipaglaro sa kanya. Saka lang niya ulit naalala noong may 3 psychic na nagsabi sa kanya na sinundan siya ng kanyang mga kaibigan (Dito na po kami sa La Union nakatira at dito na rin po kami ipinanganak ng mga kapatid ko). Hindi naman po sabay-sabay na pumunta dito ang 3 psychics. Bale yung una po ay yung kaibigan ng nanay ko na Bisaya. Tapos yung inaanak ng nanay ko sa kasal na siyang tinatawag namin kapag nagpapadasal kami dito at yung pangatlo pong psychic ay yung pinuntahan ng tatay ko sa bahay niya para magpahilot. Kaya naniwala na po kami na sinundan nga po ang nanay ko ng mga kaibigan niya. Ang problema po ay hindi alam ng nanay ko kung paano sila kausapin. Tinitirikan lang po niya ng kandila, binibigyan ng pagkain at dinadasalan niya ito sa tahanan nila. Kahit alam niyang tinutulungan ng mga dwendeng puti ang nanay ko, gusto sana nya itong makausap para magpasalamat at humingi ng gabay kapag kailangan niya. Hingi po sana ako ng orasyon na para sa mga dwendeng puti kung pwede po para maibigay ko sa nanay ko. thanks ahead po.

Anonymous said...

sir pwede po ba mag tanong tungkol sa dewende at gusto kulang malinawanagan..noong bata pa ako nagka roon ako ng encouter sa ganun klasing nilalang pero ito ay sa panaginip..hindi rin ito isang ordinaryong panaginip kasi the next night iyun din ang panaginip ko..meron dalawang dewende na lalapit sa akin at ang isa makikipag laro pero ang isa ay madadala ang planggana na may tubig at ako ya kanyang lulunurin.Sa palagay ko masama at mabuti ang dalawa pero hindi ko na maalala anu kulay nila..ngayon na matanda na ako ay nawala na yun pero possible ba na babalikan pa ako sa kanila?

Anonymous said...

nawawala din po ba ang mga alagang dwende kapag, lumipat na ng tirahan..? nung bata po kc aq, may alaga dw po aqng dwende. gabi2x nag-sleep walk aq... dahil dun, pinatawas aq ng mama q at cnbi sa "kanya" na tigilan aq. nung nagkasakit ang lola q, may nakausap na albularyo sila mama at nakausap din nila mama ung dumadalaw sa lola q, after nun, nakausap din nila ung alaga q... humiling pa nga po ng itlog na pula... hanggang ngaun, nag-tatanong pa rin aq sa sarili q kung hanggang ngaun, kapiling q pa rin sila. sabi kc ng officemate q, may parang proteksyon aq at tuwing may "something silang nararamdaman, humahawak sila sa akin.."... Thank you po...

crimsonspell said...

Pano po malalaman kung ano pong kulay ng duwende? Sa kasuotan po ba nila ito?

Dan said...

Ang mga duwende po ay may kanya kanyang katangian, halimbawa po may tatlong duwendeng mag kakapatid na kapag wala ang isa ay nde kompleto ang kanilang kapangyarihan kaya't maaring nde nila mgamit ang kakayahan nila kapag may pumanaw na isa sa knilang kapatid. dahilan kung bkit cla pipirmi sa lugar nila at di na muli babalik sa mundo ng tao. may kakayahan clang mag bukas ng 3rd eye. matagal lng ako ay kasalukuyang binubuksan nila at sinasanay. nagumpisa cla nang 570hours sa mundo nila at papatak na 1yr & 6months sa mundo ng tao. may 485 nlng akong natitira 400hours naman daw sa mundo nila ay maari ko na clang makita nang nakadilat. 1hour sa mundo ng tao ay 20hours sa mundo nila. meron ding clang mabilisang pagbubukas ng 3rd eye alay nga lang buhay ng may gus2ng mabuksan. sa akin kasi kusa nila ako inalok ng walang kapalit dahil matagal ko na cla kilala. at kung sakaling may alaga kau duwende at nagkataong lilipat kau ng tirahan. wag kau mag alala dahil sa panaginip nio ang magiging daanan nila pra kau ay kanilang makita.. :) meron akong kaibigang duwende.. ang damit nila ay tulad sa mga nakikita nio sa mga drawing sa ibat ibang sites. pero nde matingkad.. ito ay pale color na glow in the dark. sa panaginip nila ako sinasanay :) pero nakakausap ko cla dahil sa aking pamangkin na bukas ang 3rd eye.. yan lng po mababait cla, sa itim lng po kau magkaka problema dahil makasarili ito, gus2 nia kanya lahat ng makita niang laruan ng kanyang kapatid dahilan ng pag aaway.. mapang asar, tatawanan ka kung may itatanong ka pero napag sasabihan naman..
nde ko ren po msasabing mali ang naka post sa itaas pero mrami ang tama.. tulad sa green nde kasi mahilig sa bata ang green ko.. pero energetic cia.. at lagi ko kasama.. 28 yrs old na ako ngaun at 1 week plang kami nag kitakitang muli since nung pinatanggal sa katawan ko ang magkakapatid ng mother ko nung ipa gamot ako sa albolayo.. sa panaginip ko cla natagpuan lahat dun cla nag kakaroon ng connect sau kaya kahit san ka mapunta masusundan ka paren nila hehe. cguro po kaya nde ko rennsabing mali dahil may sarili clang pag uugali at isip. ang green sakin mahilig sa matatamis sa pag kain.. binigyan ko ng HALLS ayaw nia mapakla daw.. cguro sa anghang hehe

Dan said...

mali ako sorry 1hour sa mundo ng duwende ay 20hours sa mundo natin yan ang tama cnb din nla sa akin kung ano ano ang kanilang name. gayun din sa Jan - dec satin at iba ang tawag sa kanila.

Dan said...

ang duwendeng itim po kasi na alaga ko ay naka sumbrerong itim at damit na prang usok na itim mahaba ang buhok at may dalawang pangil na nakalitaw sa ibabang labi. mapang asar. pag tumawa pababa ang boses na nakakayamot hehe. pero nakikinig naman at maayos kausap ng duwendeng itim na napunta sakin.. ewan ko nlng sa ibang nagkaroon ng algang ganito.

ganz said...

nasira ng mga kaibigan ko ang tirahan na punso ng mga dwende at napatay ang inahing uod (queen termite) dito. kinabukasan, inatake ang pinaka mhina ang loob. tatlong dwende ang gumugulo sa kanya. nililigawan at nagpapakita ang babaeng dwende sa gabi at di na sya pinapatulog. kukunin raw sya at ipakain sa mga ahas nila dahil pinatay nila ang pinakamalaking alagang ahas nila. nagamut na nang albularyo galing siquijor. ang usapan...lubayan sya hanggang makapag alay sa nasirang punso ng itim na baboy, 4 na manok pula at itim, isang daang piso na coins, at pulang tela. itong darating.na byernes ang alay. kagabi, binibisitahan ng mga dwende ang kaibigan ko muli. pero mukhang pa daan daan lang ang gimik nila...

dapat bang pagkatiwalaan ang mga ito? anu ang pwedeng gawin sakanila sakaling di tumupad sa usapan? (email igatcash@gmail.com)

Anonymous said...

mas mabilis ang oras sa mundo ng mga dwende kesa s mundo ng tao.

huwag magtiwala s dwendeng itim, manlilinlang at baka kunin ka pa at isama sa kanila.

Tilo.Niti said...

Ang oras s mundo ng mga dwende ay mabagal kesa sa mundo ng tao, magigat kayo sa mga itim dahil baka makita ang babaeng kapatid mo o sinuman sa pamilya nyo at maibigan pwede nilang kargahanpara mabuntis nila sa loob lamang ng limang araw makakapag silang ang kanilang pinunlaan, lalaki ang tyan na parang buntis kahit ipaduktor nyo pa wala makikita ang duktor, kahit ipa albularyo nyo pa hindikakayainin kahit mabisa na mangagamot hindi rin kakayanin.

sagrado sa kanila ang makapag punla sa babae, pad naisilang na ang mga dwendeng sangol , oo hindi lang isa baka 4 o 5 ang isisilang pagsilang nya kasabay mamamatay ang babae dahil pati kaluluwa ng babae ay tangay narin nila. kaya mag ingat sa pag alaga ng itim wala silang patawad at hind sila basta basta tumatanggap ng alay, hindi ko alam kung alam ni APONG ang bagay na ito o nakapag encounter na sya ng ganitong kaso.

eto ay paalala lamang kung sinuman ang me mga alaga dyan.

Tilo.NiTi

Dan said...

Sa mga nag comment po bout itim na duende, depende po sa lahi iyan nde lahat ng itim ay msama :) yan ang msasabi ko. kaya itim ang kulay dala ng kanilang kakayahan o kapangyarihan.. dahil ang liwanag nila ay sa kamay.. may apat na lahi ang duende yan ang alamin nio pra matutunan nio at malaman ang mga ugali at pamumuhay nila.. :)

Dan said...

ang mga itim na nananakit ay sa simula sa lahi ng mandirigma hanggang sa pinaka mababang lahi yan ang mga nananakit.. makikita nio jan ang puti man, green man, pula man ay parehas nananakit bsta kahilera ng lahing iyan.

Anonymous said...

helo poh.. pwede po bang malaman kung alam kayong pampaswerte sa sugal...? thank you po...!!

Anonymous said...

Dan ang mga duendeng itim ay sa magaling sa katiman at sila ay kampon ng kaitiman at kasmaan, Kaya nga itim eh diba, No offence, ang mga duendeng itim ay nakikipag kaibigan sa tao, pero ang pnipili nilang tao ay may ITIM na puso, alam mo na siguro ibig kong sbihin.

Ang mga ITIM na Duende lalo na ang mga matataas o me mga rango ang nagbibigay ng kapangyarihan s mga mangkukulam para makagawa ng kaitiman sa tao, alam mo na rin yon diba.

Ang kapangyarihn ng mga duende ay nanggagaling sa kanilang baston at hindi mismo sa kamay, mapanlinlang sila, kug anu pinapakita sa ito pero hindi yon ang tutoo, pag ginusto nila isang tao o espirito ng tao ay hindi sila titigil hangagang hindi nila nakukuha. Maraming kaalaman ang itim na duende sa ITIM na kapangayarihan.

Tama ka iba iba ang katangian ng mga duende iba iba ang kanilang kapangyarihan, pero hindi nila basta basta madadala mang kanilang baston sa lupa kung wala silang misyon.

3 mangkukulam na matatanda na taga aklan at sa kaharian pa sila ng itim nag oorasyon at nangbabarang pero hindi nila kinaya ang pangontra ko. tanung ko lang sayo. kaya mo rin kaya? mga nagbabasa dito mag ingat lang sa ginagawa nyo at baka magsisi lang kayo.

Anonymous said...

hihingi lang po sana ko ng tulong sa thread na ito para lang po magamot pamangkin ko...napasin lang po namin kahapon(12/29) na humaba ng kaunti yung kanang paa ng pamangkin ko at napansin din kc namin na hindi na pantay ang tuhod nya.naidala namin knina sa manggagamot and napag-alaman na nakatapak daw sya ng itim na dwende and same part ng legs and nadali sa dwende and bilang lunas daw, kelangan ng kandila(1 1/2 diameter almost 10 inches haba)na gagawin ng ermitanyo and etong kandila na ito eh bibilhin sa manggagamot at me presyo po at gayun din po ang pangontra.nagkataon po na gipit ako sa pera kaya hindi ko po agad naipagamot pamangkin ko and nataan na meron pa kong kilalang nagtatawas din, ang sabi naman po eh hindi naman daw po nadwende and mukhang nabugbog lang ang kanan hita..simula po nung hinilot ng langis nya na me dasl po ata, wala na daw sumasakit sa hita ng pamangkin ko pero sa napansin ko, iba pa rin maglakad ang pamangkin ko na wari mo'y pilay at tipong hindi nga pantay ang lapat ng paa...pwede po bang humingi ng kumento, advise or suggestion na lunas kung paano po mapapagaling pamangkin ko?

Anonymous said...

lagi po kming nawawalan ng pera dito s bahay in a minute ay nawawala pag naiwanan namin, kaya d n po namin tinatanggal sa bulsa namin ang wallet khit s pagtulog..dahil maiwan lang ay nagkukulang na pati pagkain ay nawawala n din paminsan minsan. nagpatingin po ako at ang sabi may duwende daw na pula dito sa bahay namin at siya un nakuha.Paano ko po b cya mapakikiusapan na wag naman nya kmi kuhanan ng pera dahil kailangan din amin un. gusto ko sana cya makita at makausap...

yong said...

hi po,,,may kaibigan po ako,,kinulam tapos,,ginagamitan cya ng bulaklak,,ni lalagyan cya ng bulaklak sa may bahay nila,,kapag tuwing nilalagyan cya ng bulaklak,,sumasakit yong tiyan na,,,tapos,,,minsan hindi cya nakatulog,,tulungan mo naman kami o,, send ka sa email add ko kung ano ang gagawin namin para masugpo namin,, pycc12000@yahoo.com

Anonymous said...

Elow po!!!
Share q LNG.,,.minzn po nkapanaginip po aq ng matandang duwende at sabi ko daw sa kanya na iwanan na aq o layuan n nya aq..pero ang sagot nya "ayaw ko" .,paano ko po xia makkita ulit??.,minzan ko lng xia npanaginipan..sa bahay daw namin sa pinas my mdaming duwende dw po.,,